Viral Ngayon: Dose-dosenang mga “Olive Ridley Turtle” napisa na ang itlog sa Boracay!



Ang sikat sa buong mundo na Boracay ay isa na ring magandang paraiso para sa maraming mga “Olive Ridley Turtles”. Maraming mga dayuhan sa ngayon mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang talaga namang nahuhumaling sa “white sand beach” ng Boracay. Ngunit bukod pala sa mga dayuhan at lokal na turista ay tila naaakit din ang mga pagong sa lugar na ito. Kamakailan lamang ay namataan sa isla ang dose-dosehang mga pagong na kung tawagin ay mga “Olive Ridley”. Ang mga nakakamanghang yamang-dagat na ito ay namataang napipisa mula sa kanilang mga itlog sa harapan ng isa sa mga sikat na hotel sa isla.


Talaga namang napakagandang pagmasdan ng mga pagong na ito na tila ba sabik na ikinakawag ang kanilang mga mumunting paa. Ang “Movenpick Resort and Spa Boracay” ang nagbahagi ng mga larawan ng mga mumunting “Olive Ridley turtles” na ito.



“It is a glorious day here at the resort as we welcome and sent off these cute little baby boys and girls!” Pagbabahagi ng nasabing establisyemento. Ayon pa sa nasabing resort, noong Nobyembre 2019 ay mayroong napadpad na “rare Olive Ridley sea turtle” sa harapan ng kanilang hotel. Makalipas ang 65 araw ng “incubation period” sa tulong ng mga “marine biologists” ay 66 na bilang ng mga pagong ang napisa.


“We’re expecting more of them to emerge from their shells within the next few days,” dagdag pa ng nasabing Boracay resort. Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Region 6 ay labis na nagalak sa balitang ito. Labis din ang kanilang pasasalamat sa napakalaking hakbang na ito para sa ikauunlad ng mga yamang-dagat sa isla. Isa lamang itong patunay na naging epektibo ang rehabilitasyon ng isla dahil sa ang mga hayop na ito ay muli nang bumabalik dito.


“This hatchlings release and the recent visitation of whale shark last November 2019 in Boracay are good signs that the island (Boracay) is getting better and better because of the on-going rehabilitation that the government and the stakeholders are doing,” pahayag ng DENR 6 Regional Executive Director na si Francisco E. Milla, Jr.






error: Content is protected !!