Batang nangangalakal labis na pinahanga ang publiko dahil sa napakagandang boses nito!



Marahil ay kilala ng marami sa atin ang batang mang-aawit na ito na tinanghal noon bilang kauna-unahang “The Voice Kids” winner. Siya ay walang iba kundi si Lyca Gairanod. Dati siyang mangangalakal ngunit ngayon ay mayroon nang magandang buhay at kinabukasan dahil sa pambihira niyang talento sa pagkanta. Kamakailan lamang ay mayroong isang batang mangangalakal na nag-viral dahil sa kamangha-mangha nitong boses. Maraming mga nagsasabi na maaari siya maging susunod na Lyca dahil sa kaniyang pambihirang talento sa pag-awit.



Makikita sa isang video na ibinahagi sa social media ng Facebook page na Teens On Line – Gorgeoustar Talent Agency ang isang batang lalaki na mayroong napakagandang boses habang inaawit ang popular na awitin ni Michael Dutchi. Mapapansin din na lulan ng kaniyang sidecar ang nasabing bata at makikita pa nga ang mga nakolektang papel, karton, at bote nito. Hindi kalaunan ay nakilala siya ng maraming mga netizens dahil dati pa man pala ay naging viral na ang batang lalaki tulad na lamang ng video niya habang kinakanta ang “Sayang na Sayang” ng Aegis at “Buwan” ni Juan Karlos. Ang talentadong bata na ito ay nakilala bilang si Michael Angelo Tatad, 12 taong gulang at minsan na ring nag-guest sa isang TV show.


Naging malaking bahagi din siya ng isang episode ng defunct variety show na “Sunday Pinasaya” ng GMA Network. Nakapagtanghal siya noon nang live sa studio at pinahanga ang napakaraming mga Kapuso. Ipinakita rin ang naging pamumuhay niya bilang anak ng isang barbero. Ginagawa niya raw ang pangangalakal nang sa gayon ay kumita siya ng kanyang pambaon sa eskwela.






Talaga namang may potensyal ang bata na ito sa larangan ng pagtatanghal. Nakasama na niya sa entablado ang ilan sa mga mahuhusay na mang-aawit tulad na lamang nina ng mga world-class performers na sina Aicelle Santos at Julie Anne San Jose. Nakatanggap siya ng isang plake bilang pagkilala sa kanyang husay at kaunting groceries para makatulong sa kaniyang pamilya.





error: Content is protected !!