Matalinong aso iniligtas ang mga hikers na naligaw sa Miyaya Falls sa Maragusan!



Isang netizen ang nagbahagi kamakailan lamang ng labis nilang pagkamangha sa matalinong aso na ito na siya mismong gumabay sa kanila sa naging pag-akyat nila sa Miyaya Falls sa Maragusan, Davao de Oro. Ang netizen na ito ay nakilala bilang si Dom Traya Esguerra na nagbahagi ng naging magandang karanasan nila kasama ang aso na si Bronson na siya mismong nagligtas sa kanila sa kanilang pagkakaligaw sa kanilang pagha-hiking.



Ang 30-minuto na trek nila sa Miyaya Falls ay minsang napakatarik at talaga namang nakakalito ngunit hindi man lang nahirapan ang aso sa paggabay sa kanila patungo sa kanilang kaligtasan. Apat na miyembro sa kanilang grupo ang napahiwalay at naligaw sa kanilang iba pang mga kasamahan. Ang sumunod na nangyari ay talaga namang nagpahanga kay Esguerra at sa kaniyang mga kaibigan. Matapos masigurado na nakaligtas na ang naunang mga hikers ay agad na bumalik ang matalinong aso at hinanap ang iba pang mga naligaw.

“Hindi talaga kami makapaniwala na may asong ganon kasi…hinihintay niya kami. He’s very patient. Pag lingon niya sa amin sa likod, medyo malayo pa kami sa kanya, hinihintay niya kami.” Pagbabahagi ni Esguerra.
Kahit pa nga sa kanilang paglangoy at pagtatampisaw sa nasabing talon ay talaga namang naging mapagbantay si Bronson sa kanila hanggang sa ninais na nilang magbalik sa kanilang pinanggalingan. Ayon pa nga kay Esguerra bagamat hindi siya naniniwala sa mga multo ay batid niyang ang aso na tumulong sa kanila ay isang mabait na espiritu na hindi magawang iwanan ang Talon.


Ayon pa sa netizen, kalimitang nasa P500 ang bayad sa mga tour guide sa lugar na iyon ngunit ang matalino at maasahang aso na ito ay meryenda lamang ang ibinayad nila. Talaga namang nakatipid ka na ay nakilala mo pa at nabigyan ng pagkain ang kahanga-hangang aso na ito. Nakakabilib ngang tunay hindi ba?





error: Content is protected !!