Matandang lalaki na nagpepedicab mabagal nang sumikad dala ng katandaan ngunit nagtatrabaho pa din dahil walang pangbili ng bigas!



Batid ng marami sa atin na kapag ang isang empleyado o manggagawa ay tumutungtong na sa tamang edad ng pagreretiro ay makakatanggap siya ng mga benepisyo dahil na rin sa kaniyang edad ay mahirap nang magtrabaho ng maayos dahil sa marami na rin silang iniindang sakit dala ng katandaan. Sila ay bibigyan ng pagkakataon na makatanggap ng kanilang benepisyo at marami pang mga pribiliheyo ang kasama ang kasama nito.


Nakakalungkot mang isipin ngunit sa bansa natin ngayon hindi lahat ng mga matatanda ay pinapalad na magkaroon ng maayos at komportableng pagreretiro. Dahil marami sa kanila ang kinakailangan pa din maghanap-buhay at magbanat ng buto upang suportahan ang kanilang pamilya o di kaya naman ay ang kanilang sarili. Kamakailan lamang ay labis na umantig sa puso nh publiko ang larawan na ito ng isang matandang lalaki na nagpepedicab na ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Joana Karyl Alforte Arce.



Ibinahagi ng netizen ang kwento ng matanda na kahit pa marami na sa kaniyang mga pasahero ang nakakapuna sa mabagal niyang pagsikad ng kaniyang pedicab ay patuloy pa rin siyang naghahanap-buhay upang mayroong pambili ng kanilang bigas. Narito ang naging pahayag ni Arce sa kaniyang post na sinabi ng masipag na matanda: “Kaya ko naman kaso mabagal lang kasi malakas ang hangin. Dami nga nagrereklamo minsan kasi mabagal daw pero kailangan ko kasi wala ako pambili ng bigas.”


Agad namang nag-viral ang nasabing post na umantig sa puso ng maraming mga netizens. Mayroon nang 15,000 na mga reactions, 275 ng mga comments, at 9,200 bilang ng mga shares ang nasabing post na talaga namang kumurot sa puso ng maraming mga Pilipino. Mayroon nang mga nag-abot ng tulong sa matandang pedicab driver at sa asawa nito. Nagbigay sila ng bigas, mga prutas at groceries na talaga namang ikinatuwa ng mag-asawa na labis din naman nilang ipinagpasalamat.




error: Content is protected !!