Retiradong NBA Star na si Kobe Bryant nagpahayag ng kaniyang pagrespeto at paghanga kay Lebron James sa social media bago ito pumanaw!



Hindi maipagkakaila na si Kobe Bryant nga ang isa sa pinakamagaling at isa sa pinakamahusay na basketball star ng kasaysayan. Ang balita ng kaniyang hindi inaasahang pagpanaw ay talaga namang nagpalungkot at nagpaiyak sa napakaraming tao sa buong mundo. Pumanaw ang 41 taong gulang na si Kobe gayundin ang kaniyang 13 taong gulang na anak na si Gianna at tatlo pang indibidwal na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin napangangalanan.



Ngunit talaga namang hanggang sa mga huling sandali ng kaniyang buhay ay labis pa rin siyang hinahangaan ng publiko dahil sa pagpapakita nito ng respeto sa kapwa niya basketbolista. Sa kaniyang kahuli-hulihang Instagram post ay pinuri niya si Lebron James matapos masungkit ng nakababatang NBA player ang “All-Time Scorers” na titulo mula kay Kobe. Naungusan na ni Lebron ang puntos ni Kobe noong Sabado sa 7:22 na natitira pa sa Fourth Quarter. Nagpahayag din ng suporta ang retiradong basketbolista para kay Lebron na mas taasan pa at sikapin pang masungkit ang ikalawang pwesto kay Karl Malone na mayroon nang 36,928 na puntos habang si Kareem Abdul-Jabbar naman ang top scorer na mayroong 38,387 na puntos.


Ang naging pagpanaw ni Kobe ay talaga namang nagdulot ng matinding kalungkutan, at panghihinayang sa maraming mga tao sa buong mundo. Maging ang mga tao na hindi naman mahilig sa larangan ng basketball ay hindi rin maiwasan na manlumo sa naging kapalaran ng “The Black Mamba” at ng kaniyang anak na si Gianna.


Si Kobe ay kilala bilang isa sa pinakamahusay na basketball player sa kasaysayan. Ang 20-season ng kaniyang karera ay ginugol niya sa Lakers bago siya magretiro noong taong 2016. Itinanghal din siya bilang “second highest paid NBA Player of all time. Siya ay kilala rin sa pangalan na “The Black Mamba”. Tunay nga na malaki siyang kawalan sa larangan ng basketball.





error: Content is protected !!