Video Ng Helicopter Crash Na Nakasawi Kay Gianna, Kobe Bryant.



Nagdadalamhati ang buong mundo at basketball industry sa buglaang pagpanaw ng NBA Legend na si Kobe Bryant at ng kanyang anak na si Gianna mula sa isang helicopter crash. Naganap ang di inaasahang trahedya ilang oras ang nakalipas sa Calabasas, California.



Aftermath Video

Isang video ang kumakalat sa social media na sya diumano ang video footage matapos ang pagputok at pagcrash ng sinasakyang helicopter na syang lulan ni Kobe, 13-anyos na anak na si Gianna at pito pang pasahero kasama ang piloto. Sa video ay makikita ang malakas na pagbuga ng usok mula sa pinangyarihan ng insidente.


Makikita din sa video ang pag-antabay ng mga tao sa nasabing lugar na syang ikinagulat ng madami. Ayon sa balita, ang grupo ay papunta sa Mamba Academy para sa isang laro.

Kobe Bryant


Ang 41-anyos na si Kobe Bryant ay itinuturing na isang legend dahil sa angking galing nito sa larong basketball. Sa pagretiro nito ay hindi nawala ang anino ng magaling na basketbolista sa pagbibigay ng talks para sa mga pausbong na kabataan na nahihilig sa basketball.

Kilala ito sa pagiging isang inspirasyon para sa marami na abutin ang kanilang pangarap at huwag tumigil na abutin ang mga ito. Bago ito pumanaw ay nakatuon ito sa pageensayo sa kanyang anak na si Gianna na syang nahilig rin sa pagbabasketball.



Si Kobe ay maituturing na mabuting asawa, anak, kaibigan, at ama sa kanyang mga anak.

Pagdadalamhati

Buhos naman ang pakikiramay ng maring netizens, pati na din ang mga celebrity sa maagang paglisan ng basketbolista. Maraming celebrities ang nagbahagi ng kanilang magagandang ala-ala mula sa NBA legend. Para naman sa ibang netizens, tila kalunos-lunos ang nangyari sa grupo na kinabilangan ni Bryant dahil umano ay tila durog ang helicopter na nasakyan nito.

Ang iba naman ay nagbigay ng komento ukol sa pagkakaroon ng foul play o posibleng hindi naberipika kung nasa tamang kondisyon ang engine ng helicopter na sinakyan ng grupo.



Source: [1] [2]




error: Content is protected !!