Dambuhalang “yellow fin tuna” natagpuan ng ilang mangingisda sa Romblon!



Tatlong mga mangingisda mula sa Barangay Agtiwa, San Fernando sa Sibuyan, Romblon ang nakahuli ng dambuhalang “yellow fin tuna” nito lamang Linggo ng umaga, Enero 26, 2020. Walang pagsidlan ng kagalakan ang mga mangingisda dahil sa mayroong bigat na 90 kilos ang nasabing malaking isda! Isa sa mga residente ng lugar na nakilala bilang si Jessa Royo ang nagbahagi nito sa social media at sinabing hindi madalas at pambihirang pagkakataon lamang ang makahuli ng ganoong klaseng isda sa kanilang lugar. Ikinatuwa din naman ng maraming mga netizens ang kanilang nasaksihang napakalaking isda! Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento at reaksyon:



“Blessing ‘yan mga kuya… last week, Romblon din yung maraming tulingan yata na mga nahuli, tuna naman ngayon. God bless mga kuya.” Komento ng isang netizen.
“Mayaman pala talaga sa isda ang karagatan ng Romblon. Sana hindi mapuntahan ng mga taga Chinang mangingisda diyan. Marami palang isda diyan,” Pahayag naman ng isa pa.


“Malalaki talaga ang mga tuna diyan… noong naligo kami sa Naic, may fishing boat na nagbaba rin ng yellow fin tuna… ganyan din kalalaki… tinanong ko kung saan nahuli, sabi ng tauhan ng bangka sa kalagitnaan daw ng Mindoro, Marinduque hanggang Romblon.” Ito naman ang naging reaskyon ng isa pang netizen.



“Hindi kaya sign of tragÈdy ‘yan? Rudy Baldwin just posted his vision or premonition about Romblon’s future calamity about 16 hours ago.” Pahayag din ng isa pang netizen na tila nababahala sa kahulugan ng paglabas ng malaking isda na ito sa karagatan.

“Ingat po kayo sa Romblon, may masamang pangitain po diyang parating,” Reaksyon pa ng isang netizen.


“Hinulaan ni Rudy Baldwin ang Romblon, hindi sa pananakot ha, accurate kasi mga hula niya… mataas na tubig ang mararanasan ng Romblon, baha or tsÜnami basta ganyan…” komento din ng isa pang netizens na nababahala din sa isang kalamidad na paparating.



Maaalalang nagkaroon din ng balita patungkol sa mga isdang tulingan na tila umahon sa karagatan ng Romblon at tila umabot na sa dalampasigan. Para sa ilang mga tao ang kaganapang ito ay mayroong kinalaman sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal habang ang ilang mga mangingisda naman ay nagsasabing normal lamang ito lalo na sa panaho na nagbabago ang temperatura ng hangin.




error: Content is protected !!