Kauna-unahang Hospital Sa Tsina Para Sa Corona Virus Naitayo sa Loob Ng Dalawang Araw



Tila hindi pa tapos ang mga Tsino gumawa ng mga bagay na kagulat-gulat. Kanina lang, iniulat ng Daily Mail na naitayo na ang kauna-unahang hospital na binuo para lamang sa Wuhan virus sa loob lamang ng dalawang araw.



Tulong tulong

Sa tulong ng mga trabahador at volunteers, naitayo na sa dating walang laman na gusali sa isang probinsya malapit sa Wuhan city ang Dabie Mountain Regional Medical Center. Kasalukuyang mayroong 1000 na kama ang hospital.


Ayon sa ulat, natapos kagabi ng 10:30pm oras sa Tsina ang gusali na sinigurado nilang naipatupad ng may maayos na proseso. Sa tulong ng mga construction firms, utility companies, at mga paramilitary police officers, naisagawa ng maayos at mabilis ang naturang ospital.


Bilis at husay

Nitong Biyernes lang iniutos ng local na otoridad na gagamitin ang isang gusali na walang laman para sa pagpapagamot ng coronovirus lamang. Kinabukasan din, nagsimula nang magtrabaho ang mga constructions workers.



Naitalang higit sa 500 ang mga trabahador na tumulong at 12 na heavy equipment ang gumawa sa gusali upang magawa ito sa loob ng dalawang araw.

Nitong Lunes, kumpleto na lahat ng kama na pinagtulungan ng mga volunteers, mayroon na ring maayos na kuryente, tubig at internet ang pasilidad.

Simula palang



Sa ngayon, nailipat na sa bagong ospital ang unang batch ng mga pasyente. Kasalukuyan nang may mahigit 132 na namatay dahil sa virus at mga 6062 ang naapektuhan sa Tsina. Kaya naman una sa prayoridad nila ang magpatayo ng mga pasillidad upang makatulong sa pagaaral at paggagamot nito.

Una lamang ito sa apat pang nakaplanong Wuhan virus specialized na ospital sa Tsina. Sinabi din ng gobyerno ng Tsina na sa loob ng isang linggo at makakapagpatayo sila ng isa pang hospital kasunod nitong una.

Ang mga pasilidad na itinatayo ay nakabase sa dating pasilidad na ginamit ng Tsina sa Beijing para sugpain ang SARS virus. Naisagawa naman nila ito at nakagamot ng maraming pasyente sa loob ng dalawang buwan sa pagkbukas.

Source: Daily Mail



error: Content is protected !!