Categories: Viral

Taal evacuee nagtayo ng sarili niyang sari-sarili store mula sa mga natatanggap niyang relief goods at mga donasyon!

Isang lalaki na biktima ng pag-aalburoto ng bulkang Taal ang naging usap-usap sa social media ngayon matapos nitong makapagtayo ng isang sari-sari store business mula sa mga relief goods at mga donasyon na kaniyang inipon habang siya ay nasa evacuation center pa lamang. Hindi masusuklian at hindi matatawaran ang naging bayanihan ng maraming mga Pilipino sa naganap na pag-aalburoto ng bulkang Taal. Ang pagtulong ay nagmula sa iba’t-ibang panig ng bansa, maging ilang mga bansa sa labas ng Pilipinas at mula sa pribado at lokal na ahensya ng pamahalaan. Maging sa mga araw na ito ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng tulong sa mga apektadong pamilya sa pagputok ng bulkan.

At ngayon nga na nasa Alert Level 3 na lamang ang bulkang Taal ay pinayagan na ang ilang mga mamamayan dito na makauwi sa kani-kanilang mga tahanan. Kamakailan lamang ay isang netizen na nakilala bilang si Christian Finn De Villa ang nagbahagi ng isang larawan sa kaniyang social media account. Sa larawan nito ay makikita ang ilang mga de lata, mga biskwit, mga noodles, toothpaste at ilan pang mga bagay na naipon niya mula sa mga relief goods at mga donasyon na nakatanggap nila noong namamalagi pa sila sa evacuation center.

Nagbiro pa si De Villa dahil nagpapasalamat ito sa lahat ng mga tumulong at nagpa-abot ng mga donasyon sa kanila dahil dito ay nakapagpatayo sila ng isang maliit na negosyo, isang sari-sari store business.
“Christian’s sari-sari store is officially now open!! Salamat po sa nag-donate. Nagkatindahan po ako nang di inaasahan. #BangonBatangas,” Pahayag niya sa kaniyang post.

Umani ng 9,700 reactions, 744 comments, at 7,300 shares ang kaniyang viral post. Maraming mga netizens ang natuwa dahil sa halip na malungkot at magmukmok si De Villa at ang kaniyang pamilya ay nanatili silang positibo at puno ng pag-asa sa kabila ng kanilang naging mahirap na karanasan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago