Isang Chinese na doktor nahimatay dahil sa sobrang kapaguran!



Tunay nga na hindi madaling gumanap ng mga responsibilidad at obligasyon sa ating pamilya man, sa paaralan, o di kaya naman ay sa ating mga trabaho. Marami sa ating mga Pilipino ang hinahangaan ng iba pang mga lahi dahil sa ating dedikasyon at pagmamahal sa ating trabaho.



Ito ay dahil batid ng marami sa atin ang hirap ng walang trabaho, walang kinikitang pera para sa ating mga mahal sa buhay. Kung kaya naman ganoon na lamang ang ating pagpapahalaga sa ating mga trabaho. Sa kasamaang-palad, sa paglipas ng maraming panahon ay tila nalilibang, nakakalimot, o di kaya naman ay binabaliwala na lamang ang mga bagay na mahalaga rin naman tulad ng ating mga trabaho o propesyon.


Marami sa atin ngayon ang masyado nang abala sa maraming mga bagay sa trabaho man o sa paaralan kung kaya naman hindi na natin alintana na napapabayaan na pala natin ang ating mga anak o di kaya naman ay nawawalan na tayong mga anak ng oras para sa ating mga magulang. Ang pinakamahirap pa dito ay sa pagiging abala natin masyado ay hindi na natin namamalayan na maging ang ating sarili at ang ating kalusugan ay hindi na natin nabibigyang-pansin.


Katulad na lamang ng isang doktor na ito na mula sa Tsina. Ang kaniyang viral video ay umabot na sa 4,615,048 na mga views habang sinusulat ang artikulong ito. Ang mga doktor ay kilala sa pagsasalba at pangangalaga ng buhay ng isang tao o maging ng isang hayop. Ngunit isang Tsinong doktor ang bigla na lamang nahimatay dahil sa sobrang kapaguran dahil sa kaniyang trabaho. Habang lulan siya ng isang “elevator” ay mapapansin pa na pahikab-hikab ang doktor at tila inaantok. Maya-maya pa ay bigla na lamang itong nawalan ng malay na tumagal ng kalahating minute. Sinikap niyang makabangon muli ngunit sadyang nahirapan na siyang maglakad ng tuwid. Matapos nito ay makikita sa viral video na hahandusay siyang muli sa sahig at tatagal ito ng 5 minuto.


Makalipas na makapagpagamot dahil sa tinamo niyang sugat sa kaniyang ulo at sa nabasag niyang ngipin sa harapan ay nagpatuloy na siya kaagad sa kaniyang trabaho nang sumunod na araw. Ayon sa ilang mga doktor na kaniyang katrabaho ay 8 procedures sa isang araw ang kaniyang ginagawa at ayon naman sa ilan pang staff ng nasabing ospital ay ginagawa na nitong tahanan ang kaniyang opisina at talaga namang nagtatrabaho siya ng sobra sobra sa araw-araw.



Umani ng maraming mga papuri at positibong komento mula sa publiko ang napakasipag at kahanga-hangang doktor na ito na hindi alintana ang pagod at hirap ng trabaho mapagsilbihan lamang ang marami mga nangangailangan.




error: Content is protected !!