Isang nakakapangilabot na nilalang ang tila sumama sa larawan ng lalaking ito sa Diplomat Hotel sa Baguio!



Marami na tayong naririnig o nababalitaang mga bagay na nakakapanindig-balahibo at talaga namang nakakapangilabot. Maaaring marami sa atin hanggang sa ngayon ang hindi pa rin naniniwala sa mga hiwaga at misteryong taglay ng mga bagay at lugar sa ating kapaligiran. Katulad na lamang ng isang netizen na ito na kamakailan lamang ay nagbahagi ng ilang mga larawan kung saan mapapansin ang isang nakakapangilabot na nilalang na aakalain mong nakikisabay rin at nakikisama sa kuhanan ng larawan sa nasabing lugar.


Ang Dominican Hill Retreat House o mas kilala din naman bilang Diplomat Hotel sa Baguio ay isang abandonadong gusali na sa ngayon ay dinarayo ng maraming mga lokal at dayuhang turista dahil sa kakaibang istruktura nito na makaluma, makasaysayan at talaga namang makapanindig-balahibo.



Sa viral post ng netizen na nakilala bilang si Jades David talaga namang sa unang tingin ay aakalain mong simpleng larawan lamang ito na kuha sa isa sa pinakasikat na atraksyon sa Baguio. Ngunit ang maitim na anino ng isang babae na mapapansing naka-peace sign pa ay magdudulot talaga ng kakaibang kaba at kilabot sa iyong dibdib.


Maraming mga netizens ang nagkomento at nagpahayag ng kani-kanilang reaksyon patungkol sa nasabing larawan. Mayroong mga nagsasabi na maaaring edited ang mga ito ngunit ang nag-upload na mismo ng mga larawan ang nagpapatunay na hindi ito gawa gawa o biro lamang. Ilang mga netizens pa ang tinag o minention ang kani-kanilang mga mahal sa buhay habang ang iba naman ay nagpapatotoo rin na mayroon talagang ganitong uri ng kababalaghan sa nasabing lugar kahit noon pa man.


Tunay nga kaya ang mga sabi-sabi patungkol sa mga kaluluwang ligaw na hindi matahimik sa lugar na ito? Ano nga kayang uri ng nilalang ang nakuhanan sa larawan na iyon? Patuloy pa rin ba nating panghahawakan ang ating paniniwala noon pa man na hanggang hindi pa natin nararanasan o nakikita ang isang multo o nasasaksihan mismo ang isang kababalaghan ay hindi pa rin tayo basta basta maniniwala?

Source: Facebook Jades David






error: Content is protected !!