Tatlong mga Chinese nationals nakaranas ng pang-ookray mula sa mga tambay na Pilipino dahil sa paglaganap ng Corona virus!



Sa panahon natin ngayon hind na masama ang maging praning o di kaya naman ay magpakasigurado sa mga bagay bagay lalo na para sa maraming mga magulang na nag-aalala para sa kanilang mga anak. Kadalasan na binibili at tinatangkilik natin ang mga bagay na alam nating mas ligtas at mas makakatulong para sa kanilang maayos na paglaki. Kahit sa usapin ng pagpasok sa isang pribado o pangpublikong paaralan ay talaga namang pinag-iisipan nating mabuti dahil wala tayong ibang nais kung hindi ang ikabubuti ng ating mga anak at ng ating buong pamilya.



Sa mga araw na nagdaan ay talaga namang naging isang malaki at mabigat na hamon para sa maraming mga pamilyang Pilipino ang mga usaping pangkaligtasan at pangkalusugan lalo na noong nag-alburoto ang bulkang Taal, at sa mga panahon ngayon na nagiging banta na sa kalusugan ang mga sakit tulad na lamang ng “Corona Virus” na nagmula diumano sa Tsina. Marami na ring iba pang mga bansa ang apektado ng sakit na ito. Talaga namang napakahirap sa panahon ngayon ang maging kampante dahil sa kabi-kabilang mga balita na maaaring makaapekto sa marami sa atin. Ngunit gaano man kahirap at kabigat ang ating mga kinakaharap o pinagdaraanan sa buhay, hindi dapat natin makalimutan ang pagigng mabuting tao natin lalo na sa ating kapwa kahit ano pa man ang kanilang lahi.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang naging karanasan na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Jehan Dienzo. Enero 27 taong kasalukuyan ng mayroon siyang nakita na tatlong Chinese nationals na dumaan sa isang eskinita. Laking gulat na lamang niya ng biglang nagsigawan ang tatlong mga tambay na mga Pilipino rin at humiyaw ng “ayan na yung mga corona virus!!!” Nakakalungkot isipin na sa mga panahon na ito ay tila hindi alintana ng ibang mga tao ang karagdagang pasakit at sama ng loob na naidudulot nila sa kanilang kapwa sa mga simpleng panunudyo o pagsasalita ng mga hindi kanais-nais na mga bagay.

Sa panahong ito ay mas nararapat lamang na mangibabaw ang pagmamahalan, pagmamalasakitan, pag-intindi at pag-unawa sa ating kapwa anuman ang kanilang lahi o mga opinyon sa buhay. Huwag sana nating kalimutan na kung nahihirapan man tayo sa ngayon, tiyak na mas nahihirapan at nanghihina rin ang kalooban ng ibang tao sa ating paligid. Nawa ay mas mamayani sa puso ng bawat isa sa atin ang pagmamahal sa ating kapwa kaysa ang ano pa mang mga bagay na hindi naman kaaya-aya sa mga mata ng tao at lalong-lalo na sa mga mata ng Diyos.






error: Content is protected !!