Kawawang Grabfood driver walang nagawa sa prank ng isang customer kung kaya naman ibinenta na lamang ang binili nitong P1,900 na halaga ng milktea upang mabawi ang kaniyang pera!



Marami nang mga balita patungkol sa mga walang puso at walang kahihiyang mga customer na umoorder at bumibili ng mga pagkain o iba pang mga gamit sa mga online app ngunit kapag idedeliver na sa kanila ay saka nila ika-cancel o tuluyan nang hindi babayaran! Nakakalungkot isipin na hindi man lamang nila isinasaalang-alang ang pagtatrabaho ng ibang tao at ang pagsusumikap ng mga ito na maibigay ang serbisyong nararapat sa kanila. Katulad na lamang ng lalaking ito na talaga namang nanlumo nang malaman na pinagtripan lamang siya o prinank ng isa sa mga naging customer niya na umorder sa kaniya ng 14 na milk tea na nagkakahalaga ng P1,900!



Maaaring maliit na halaga lamang ito para sa iilan ngunit napakalaking bagay na nito para sa isang ama na naghahanap-buhay o sa isang mister na nagtataguyod ng kaniyang pamilya. Dahil sa nabayaran na niya ang mga produktong ito ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang ibenta na lamang ang mga ito sa ibang tao upang kahit papaano ay mabawi ang pera na kaniyang ipinangbili.


Isang netizen ang nagbahagi ng kwento ng Grabfood driver na ito at nagpaalala sa maraming mga Pilipino na huwag kalimutang magbigay respeto sa mga taong nagtatrabaho ng maayos at desente para sa pamilyang kanilang itinataguyod at sinusoportahan. Ang netizen ay nakilala bilang si Krizia de Lara at talaga namang naantig lalo ang kaniyang puso nang marinig mula sa Grabfood driver na luging-lugi na siya at wala na siyang panggatas ng kaniyang anak kung kaya naman kahit kaunting pera na lamang ang maibalik sa kaniya ay ginawa na niya ito.



Talaga namang hindi kanais-nais ang nangyaring ito sa kawawang ng Grabfood driver ngunit mas dapat nating pagtuunan ng pansin ang mga bagay na mas mahalaga tulad na lamang ng respeto at pagmamahal sa kapwa na dapat ay isang likas nan a ugali sa ating mga Pilipino.





error: Content is protected !!