Tatay na gumawa ng sulat-kamay na pagbati para sa kaniyang anak na nakapasa bilang isang engineer labis na hinangaan ng publiko!



Ang pagmamahal ng magulang sa kaniyang mga anak ay talaga namang hindi matatawaran. Walang ibang pagmamahal ang maihahalintulad sa pagmamahal at pagkalinga ng mga magulang para sa kanilang mga mahal na anak buhat ng ipaglihi at ipagbuntis sila ng kanilang mga ina. Kung kaya naman maraming mga netizens ang bumilib at talaga namang humanga sa ama na ito dahil sa pambihirang pagbati na kaniyang ginawa sa naging tagumpay ng kaniyang anak na isa nang inhinyero.



Simpleng pagbati ng kaniyang ama ang nasa larawang ibinahagi ni Romerson Nanao sa kaniyang social media account. Maaaring simple lamang ito na pagbati ngunit maraming mga puso ang naantig at talaga namang napa-sana all dahil sa pagbati ng ama sa kaniyang anak. Nakasulat kamay kasi sa isang ginupit na karton ang naging pagbati ng ama na ito sa anak niya na isa nang ganap na inhinyero. Nakapasa si Romerson engineering licensure exam kung kaya naman agad agad na nagpaskil ng pagbati ang kaniyang mahal na ama na mayroong mga katagang “congrats son”.


“However big, however small. You are part of it all. Thanks, Dad. A lot,” pagbabahagi ni Romerson sa kaniyang naging post sa social media noon pang 2018. Sa kasalukuyan ay ibinabahagi ito ng maraming mga netizens dahil sa nakaantig na kuwento. Sa katunayan ay mayroon na itong 10,800 retweets at 75,000 likes at nadaragdagan pa. Sa kabila ng pagiging simple lamang ng pagbati na ito, talaga namang mararamdaman ang sinseridad ng ama. Tunay nga na hindi mabibili ng gaano man kalaking halaga ng salapi ang wagas na pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak.


Kung kaya naman hindi na kataka-taka na ang mga anak ay mahalin din ng sobra-sobra ang kanilang mga magulang dahil sa mga sakripisyo nito, pagmamahal, at pagkalinga sa kanilang mga anak. Ang tagumpay ng mga anak ay tagumpay rin naman ng kanilang mga magulang na nagtaguyod at sumuporta sa kanila.





error: Content is protected !!