Isang ospital sa China nagdischarge ng 243 na mga pasyente ng coronavirus na naka-recover na!



Nagambala ang buong mundo sa hindi inaasahang paglaganap ng isang kakaiba at hindi pa kilalang sakit. Marami ang nangamba sa kanilang kaligtasan at maging sa kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na kabi-kabila na ngayon ang “panic buying” ng publiko magmula sa mga face mask, mga gamot na maaaring makapagpalakas ng kanilang resistensiya, at iba pang mga pangangailangan ng isang pamilya sa pagputok ng nakakatakot na epidemyang ito.


Sa kabila ng lahat ng mga pangamba at takot ng publiko ay hindi pa rin nawawala ang matinding pananampalataya ng publiko sa Diyos at gayundin naman sa mga taong ginagamit upang maging maayos at matagumpay ang pagsugpo sa sakit na ito. Kung kaya naman nagdulot ng labis na kagalakan kamakailan lamang ang mga balita na unti-unti nang nagiging mabuti ang mga kalagayan ng mga taong naapektuhan ng epidemya na ito.




Nito lamang Sabado, Pebrero 1 ay malugod na inanunsyo ng “Chinese health authorities” na mayroon nang 243 na bilang ng mga apektadong pasyente ng coronavirus ang nadischarge mula sa ilan sa kanilang mga ospital. Ayon sa “National Health Commission” o NHC ang mga pasyenteng naapektuhan ng kumakalat na sakit ay maaari nang makalabas ng ospital kung nawala na ang mga naging sintomas nila at kung ang temperatura ng kanilang katawan ay nanatiling normal sa loob ng hindi baba sa tatlong araw. Dapat din na maging negatibo sila ng dalawang beses sa kanilang “nucleic acid test”.


Mula noong Biyernes ng madaling araw ay mayroon nang 259 na bilang ng mga tao ang nasawi at mayroon nang 11,791 na kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng novel coronavirus infection na naiulat mula sa 31 na mga provincial-level na rehiyon at sa Xinjiang Production and Construction Corps na matatagpuan sa China.


Tunay nga na hanggang mayroong bayanihan, pagmamalasakitan at matinding pananampalataya sa Diyos ay wala tayong hindi kayang mapagtagumpayan.


Source: xinhuanet




error: Content is protected !!