Grupo ng mga Chinese namahagi pa din ng libreng mga face masks sa mga Pilipino sa kabila ng kanilang takot sa maraming mga Pinoy netizens!



Ikinabahala ng publiko ang pagkumpirma ng kauna-unahang positibong kaso ng novel coronavirus (2019-nCov) na nagmula sa Wuhan, China. Ang Chinese na babae na nagpositibo sa nakakabahalang sakit na ito ay 38 taong gulang na nakarating sa bansa mula sa Hong Kong. Ayon sa ilang mga ulat ang nasabing Chinese ay bumisita sa Cebu at ilang araw din na namalagi sa Dumaguete City bago pa man lumipad patungong Maynila kung saan siya nagpakonsulta dahil sa kaniyang simpleng ubo.


Maraming mga Pinoy netizens ang talaga namang nag-panic, nabahala at nangamba para sa kanilang mga kaligtasan kung kaya naman marami sa atin ang todo iwas sa mga mukhang Chinese at sa iba pang mga Chinese national na nakakasalumuha ng publiko sa mga elevator, tindahan, o sa mga pangpublikong sasakyan. Kahit pa nga mayroon nang suot na mga face mask ang mga ito ay kinakatakutan pa rin sila ng maraming mga Pilipino.




Sa kabila ng mga diskriminasyong nararanasan ng ilang mga Chinese nationals sa mga Pilipino ay hindi pa rin ito alintana ng grupo ng mga Chinese nationals na ito na nagpamahagi pa ng libreng mga face masks para sa mga Pilipino. Umani ng maraming mga komento at reaksyon ang ilang mga Pilipino patungkol sa naging pagtulong ng mga Chinese nationals sa mga Pilipinong naubusan na ng mga face mask sa mga botika at iba pang mga tindahan.


Napag-alaman na isang Cindy Arcangeles ang nagbahagi ng larawan ng mga Chinese national na bukas-palad na tumulong sa mga Pilipino.
“Kahit binubully at binabash nyo sla tumutulong parin sila in their own ways. Let’s all have unity, wag po tayong maging mapride at mambully. Not all Chinese are the same. Pls spread the good news!! This may help: Giving free face mask to everyone Lido De Paris Hotel 1036 Ongpin St, Santa Cruz, Manila, 1003 Metro Manila
Pray lang po tayo. Take care each and every one.” Pahayag niya.





error: Content is protected !!