Pamamahiya ng mga Pilipino sa grupo ng mga Chinese national sa isang sikat na fastfood chain, usap-usapan ngayon sa social media



Hindi na lingid sa kaalaman ng marami sa atin ang pataas ng pataas na bilang ng mga taong naapektuhan ng novel coronavirus o ang 2019-nCov sa 22 mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo. At dahil sa nakarating na rin ang nakabahalang sakit na ito sa bansa ay hindi na maiwasan ng maraming mga Pilipino ang mangamba para sa kanilang mga kaligtasan lalo na ang kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay.



Nakakalungkot mang isipin ngunit laganap na rin sa social media ang mga hindi magagandang ginagawa at sinasabi ng mga Pilipino sa mga Chinese nationals na naninirahan o namamasyal dito sa ating bansa. Kung dati rati ay hinahangaan ng buong mundo ang mga Pilipino dahil sa mga kabutihang-asal at sa mga magagandang ginagawa nila sa kanilang kapwa tao, dayuhan man ang mga ito o kapwa nila mga Pilipino, sa ngayon ay mas nangingibabaw ang hindi magandang pag-uugali ng ilan sa mga Pilipino sa mga Chinese nationals dito sa Pilipinas na diumano ay nagpasimula at nagkalat ng 2019-nCov sa bansa.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang ibinahagi ng isang Facebook page na “Happening in Philippines” mula sa isang concerned netizen na pinangalan nilang Jacob Fernán. Ayon sa nasabing post ay mayroong mga turistang Tsino ang umorder ng makakain nila sa Jollibee Balamban. Ngunit nang nasa loob na sila ng popular na establisyemento ay bigla na lamang mayroong nagsalita na customer at sinabing “labas na tayo dito kasi may coronavirus”. Ang mas nakakalungkot pa rito ay nasa lamesa na sila upang kumain ngunit hindi na nila ito natapos pa at sa labas na lamang nila ipinagpatuloy ang kanilang pagkain.


Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon nang higit sa 14.8K na mga reaksyon ang viral post at higit sa 9,821 na mga shares. Umani na rin ito ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko.


Source: Happening in Philippines




error: Content is protected !!