Resignation letter ng isang netizen kinagigiliwan ngayon ng maraming mga netizens!



Sa panahon natin ngayon maraming mga Pilipino ang itinuturing na “bread winner” ng kanilang pamilya. Talaga namang nakakamanghang malaman na labis labis ang pagmamahal at pagsuporta ng maraming mga Pilipino sa kanilang mga mahal sa buhay kung kaya naman patuloy at patuloy silang nagsusumikap at nagtitiyaga sa kani-kanilang mga trabaho, gaano man kahirap o kaliit ang sweldo na kanilang kinikita.


Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi rin naman maiiwasan ang mga pagkakataong kinakailangan nilang maghanap ng ibang trabaho na mas makakatulong sa pagsuporta nila sa kanilang pamilya. Dahil aminin man natin o hindi, kahit gaano ang pagtitipid na ating gawin at kahit ilang mga trabaho pa ang ating pasukin ay talaga naman napakalaki rin ng ating mga gastusin sa bahay at maging ang matrikula ng mga bata sa paaralan.




Kung mayroon namang mas mainam na trabaho ay talaga namang mapipilitan ka talagang magbitiw sa kasalukuyan mong trabaho. Tulad na lamang ng isang netizen na ito na nagbahagi ng larawan ng kaniyang resignation letter. Siya ay nakilala sa pangalan na “Geovanni Ababat”. Ang sumulat ng nasabing resignation letter ay nagngangalan namang “Jepson Amoroso”.

Mapapansin sa liham na talaga namang sinunod din ito sa “standard format” ng paggawa ng isang resignation letter. Ngunit hindi katulad ng ibang mga liham, ang resignation letter na ito ay walang paligoy-ligoy at deretsahang sinabi ang mga katagang “I resign”. Wala nang anumang dahilan, pasasalamat o pasubali.
Hindi man kumpirmado kung totoo ang nasabing resignation letter o hindi ay talaga namang umani ito ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko. Hindi lamang dahil sa napapanahon ito sa maraming mga Pilipinong empleyado kundi marahil ay marami ang mga taong nakaka-relate sa liham na ito.


Narito ang ilan sa mga komento at reaskyon ng publiko.
“Ganiyan ba talaga ang resignation letter? Direct to the point. Wala nang pasakalye. Rekta kung rekta, hahahaha. For our reference daw ito hahaha.” Pahayag ng isa.

“Ganito ang dapat ipasang resignation. Simple pero rock, hahahaha! Ewan ko na lang kung hindi ka talaga palayasin ng employer mo kapag ganito ang resignation letter,” komento naman ng isa.


“May karapatang mag–resign ang bawat empleyado hahaha. Pero sana naman, maayos pa rin ang pagsulat ng resignation letter. Pero sana sabihin man lang kung bakit magre–resign, o kaya magpasalamat.” Dagdag pa ng isa.






error: Content is protected !!