Isang ina sa China nagmakaawa at walang tigil ang pagluha sa mga otoridad upang payagang makadaan ang kaniyang anak na mayroong Leukemia upang makapagpa-chemotherapy ito!



Bilang isang magulang, isang ama, o isang ina, wala tayong ibang nais para sa ating mga anak kung hindi ang makabubuti para sa kanila at para sa kanilang kinabukasan. Kung kaya naman napakahirap para sa atin ang makita silang nahihirapan o hindi komportable sa kanilang buhay.



Ngunit mas higit na mabigat sa kalooban ang makita mo ang iyong anak na ginagapi ng kaniyang malubhang karamdaman at wala kang magawa upang matulungan siya bilang kaniyang magulang. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na labis labis ang luhang ibinuhos ng ina na ito sa China para lamang hayaang makadaan ang kaniyang anak na mayroong leÜkemia sa mahigpit na seguridad at barikada upang makapagpagamot ito at maisagawa ang chemotherapy niya sa isang ospital sa kabila ng kinatatakutang pagkalat ng novel coronavirus sa lugar.

Credit: Reuters/Thomas Peter

Ang ina na ito ay nakilala bilang si Lu Yuejin na 50 taong gulang mula sa Jiujiang, China. Makikita sa larawan ang labis na pagmamakaawa ng ina na makaraan ang kaniyang anak sa checkpoint ng mga pulisya sa tulay ng Yangtze River kung saan nagsasagawa ng virtual checkpoint para sa coronavirus outbreak sa lugar.



Credit: Reuters/Thomas Peter


Nais lamang ng ina na isang magsasaka na makaraan ang 26na taong gulang niyang anak na nakilala bilang si Hu Ping na mayroong cÄncer sa dugo o leÜkemia. Kinakailangan na nitong sumailalim sa ikalawang session ng kaniyang chemotherapy sa kabila ng naging epidemya ng coronavirus sa bansa.

Credit: Reuters/Thomas Peter

“My daughter needs to go to hospital in Jiujiang. She needs to have her treatment. But they won’t let us through. Please, take my daughter. I don’t need to go past … please, just let my daughter go past. All I want to do is save her life,” Pagmamakaawa ng ina sa mga otoridad.

Makalipas ang isang oras na pakikipag-usap ng ginang sa “Reuters” ay agad namang kumilos ang mga pulisya at tumawag sa mga kinauukulan. Agad din namang dumating ang ambulansya at parehong pinayagan ang mag-ina na makapunta sa ospital. Bago pa man sila makasakay ng ambulansiya ay sinuri din muna ang kanilang mga temperatura.

Source: Reuters/Thomas Peter | News5




error: Content is protected !!