Categories: Viral

Kung makakakita ka ng ganito kalaki na gagamba sa inyong palikuran, magagawa po kayang umihi o dumumi ng matiwasay?

Marahil natural na sa marami sa atin ang pagkakaroon ng takot sa mga malalaki at kakaibang hayop na hindi natin madalas makita sa araw-araw. Maaaring ito ay isang malaki, mahaba, mabalahibo, madulas, o may hindi kanais-nais na hitsura. Maaari din namang ito ay maraming mga galapay, mga paa, o di kaya naman ay lumilipad sa hangin at mayroong hindi kanais-nais na tekstura lalo na kapag dumikit sa iyong balat o iyong nahawakan.

Ngunit sa kabila ng mga posibilidad na ito ay marami pa ding mga Pilipino ang nagkakaroon ng kakaibang pagkahilig sa mga ganitong uri ng mga hayop o tinatawag din ng marami bilang mga “exotic animals” o “exotic pets”. Ilan sa mga ito ay mga malalaking gagamba, mga ahas, malalaking butiki at marami pang iba.

Ngunit sa mga tao na hindi naman sanay o mahilig sa mga ganitong uri ng hayop, ano nga kaya ang gagawin nila kung sakaling mayroon silang makitang ganitong uri ng gagamba sa kanilang banyo o palikuran? Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Carlos Dave sa isang kilalang Facebook group sa social media na “Memories of Old Manila”. Ibinahagi niya ang larawan ng isang napakalaking gagamba sa loob ng isang banyo. Talaga namang matatakot ka at mangangamba dahil sa hindi mo alam kung paanong ligo ang iyong gagawin kung sakaling ikaw ang gagamit ng banyo at ito ang daratnan mo! Maaaring kahit pag-ihi o pagdumi ay hindi mo na magawa dahil sa sobrang takot.


Maraming mga netizens ang nagsabing ang gagamba na nasa larawan ay isang “huntsman spider” habang ang ilan naman ay nagsasabing “gagambang pare” ang mga ito. Ayon pa sa ilang mga netizens, ang putting bagay na nasa bandang tiyan nito ay ang kaniyang mga itlog na iniingatan niya ng husto at maaaring naghahanap din ito ng lugar na mapamumugaran hanggang sa tuluyan nang mapisa ang kaniyang mga itlog. Ikaw, nanaisin mo bang maligo, dumumi, o umihi sa inyong banyo kung makakakita ka nito?

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago