Larawan ng isang Pinoy na ginawang face mask ang balat ng suha, kinaaaliwan ngayon ng publiko!



Sa naging pagpasok ng taong 2020 ay talaga namang nakaranas ang maraming mga tao ng iba’t-ibang mga bagay na hindi mo aakalain na magaganap sa loob ng isang buwan lamang! Nariyan na ang naging pag-aalburoto ng bulkang Taal sa Batangas na nagdulot ng pinsala at nakaapekto sa maraming mga pamilya sa bansa. Sa kabila ng kalamidad na ito ay nakita pa rin ang pagtutulungan at pagbabayanihan ng maraming mga Pilipino upang kahit papaano ay makaahon ang ating mga kababayan na naapektuhan ng nasabing sakuna.



Bukod pa rito ay maraming mga Pilipino rin ang labis na nagluksa sa biglaang pamamaalam at pagpanaw ng NBA legend na si Kobe Bryant at ang kaniyang 13-taong-gulang na anak na si Gianna na sumakabilang-buhay dahil sa pagbagsak ng sinasakyan nilang helicopter. Hindi mabilang ang mga tagahanga niyang Pilipino na talaga namang nagluksa ng husto dahil sa pagkakawala ng isa sa pinakamahusay at pinakahinahangaang personalidad sa larangan ng basketbol.

At nito lamang Enero 30 nang kumpirmahin ang kauna-uhang kaso ng kinatatakutang novel coronavirus o 2019-nCoV sa Pilipinas Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan ay isang Chinese na babae edad 38 taong gulang ang bumiyahe patungo dito sa Pilipinas na nagmula sa Wuhan China kung saan nagmula ang mismong virus. Sinasabing Enero 21 nang nakarating sa bansa ang turista. Ayon sa ilang mga ulat ay nagpakonsulto agad ito matapos makaranas ng simpleng ubo. Hindi rin ito nagpapakita ng mga sintomas ng kinakatakutang virus ayon sa ulat. Sa kasamaang palad ay nasawi na noong Pebrero 1 ang kasama nito na isang Chinese national na lalaki edad 44 na taong gulang dahil sa “pneumonia”.


Dahil nga sa higit 22 mga bansa na ang apektado ng sakit na ito sa buong mundo at marami pang mga tao ang maaaring maapektuhan ay kani-kaniya na tayo ng mga pamamaraan upang maging ligtas ang ating sarili at ang ating pamilya. Ngunit sa kabila ng mga pangamba at takot na ito ay talaga namang hindi pa rin maiaalis sa ilang mga Pilipino ang magbahagi ng “goodvibes” sa maraming mga tao, tulad na lamang ng kumakalat na larawan ngayon ng isang lalaki na ginawang face mask ang balat ng suha dahil sa nagkakaubusan na din ng mga face mask sa maraming mga botika at iba pang mga tindahan. Ang lalaki na ito ay mula pa sa Tagum City sa Davao at talaga namang umani ng sari-saring komento mula sa publiko ang kaniyang larawan na mula sa isang netizen na nakilala bilang si Myra Miraflor Villaver.





error: Content is protected !!