“Tunay na lalake starter pack”, usap-usapan ngayon sa social media!



Marami sa mga kabataan sa panahon natin ngayon ang nakababatid na ang isang batang lalaki o ang isang lalaki ay ganap nang mga lalaki at babae kung napagdaan na nila ang ilan sa mga bagay na tanging mga ganap na lalaki at babae lamang ang nakararanas. Halimbawa na lamang ay ang pagkakaroon ng buwanang daloy ng isang dalagang babae ang nagsisilbing hudyat ng pagiging ganap niyang babae. Samantalang para sa mga kalalakihan naman, ang hudyat ng isang pagiging ganap na lalaki ay ang pagtutuli.


Ayon sa ilang mga artikulo, ang salitang “tuli” ay nangangahulugan ng pagtanggal ng paikot. Para sa maraming mga bansa sa mundo, ang pagtutuli ay hindi lamang patungkol sa kalusugan ng isang lalaki kung hindi mayroon din itong kahalagahan o importansiya sa relihiyon. Sa Pilipinas, ang pagtutuli ay isang ritwal sa mga batang lalaki. Napakalawak ng tradisyong ito na mula pa sa ating mga ninuno. Ito ay isa ring the obligasyon para sa mga batang lalaki upang maging ganap na ang kanilang pagkalalaki. Marami sa mga Pilipinong kabataan noon at ngayon ang malimit na tinutukso ng kanilang mga kaibigan lalo na kung hindi pa sila nabibinyagan o tinutuli.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang larawan na ito na kung saan makikita ang mga dahon ng bayabas, isang malinis at puti na tela, isang mahaba, kulay puti at malinis na panali, panghiwa o blade at pamukpok na kahoy. Mayroon din itong caption na “Batang ‘90s lang ang nakakaalam. Tunay na lalake starter pack!”. Ito ay ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Rogen Albert Cahilig Fuentes. Umani ito ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko. Maraming mga netizens ang talaga namang naka-relate lalo na yung mga kabataan noong ‘90s dahil sa simple at natural na paraan na pagtutuling ito na talaga namang tatatak sa isip at puso mo bilang isang batang lalaki.


Sa panahon natin ngayon ay marami nang paraan upang mas mapadali at mas maging komportable ang pagtutuli para sa mga batang lalaki. Kung kaya naman kahit maraming mga taon na ang lumipas ay marami pa rin sa mga kabataan noon ang hindi malimutan ang mga panahong ito o araw ng kanilang buhay kung saan sila ay nakaranas ng matinding sakit ngunit sa kabila ng sakit at hirap na iyon ay napatunayan nilang kaya nila sa paggabay at pagsuporta din ng kanilang mga magulang, mga mahal sa buhay at kanilang mga kaibigan.


Source: Facebook




error: Content is protected !!