Chinese teenager na mayroong kapansanan, pumanaw nang mag-isa matapos na ma-quarantine ang kaniyang pamilya dahil sa coronavirus



Isang teenager na Chinese na mayroong sakit na “cerebral palsy” ang sumakabilang-buhay matapos nitong maiwang mag-isa sa kanilang tahanan dahil ang kapatid at ama niya ay kailangang sumailalim sa ilang pagsusuri patungkol sa paglaganap ng mapanganib na novel coronavirus. Ang 17 taong gulang na binata ay naiulat na nasawi noong ika-29 na araw ng Enero. Siya ay nakilala bilang si Yan Cheng na mayroong “severe cerebral palsy”.



Ang cerebral palsy ay isang karamdaman kung saan naaapektuhan ang pag-balanse at ang paggalaw ng isang taong apektado nito. Ang salitang “cerebral” sa sakit na ito ay may kinalaman sa utak habang ang “palsy” naman ay nangangahulugang panghihina o problema sa “muscle” ng buong katawan. Si Yan Cheng ay iniwanan ng kaniyang ama na si Yan Xiaowen sa kaniyang higaan dahil sa kinakailangan nitong bumaba at lumabas ng kanilang tahanan upang magpatingin dahil sa kaniyang nararamdamang lagnat noon kasama ang isa niya pang nakababatang anak.

Dahil sa 15 milya ang layo ng nag-aalalang ama sa kaniyang may kapansanang anak ay ginamit na lamang nito ang social media upang humingi ng tulong sa publiko patungkol sa kaniyang anak na naiwanang mag-isa sa kanilang tahanan.
“My eldest son has cerebral palsy, and can’t move his body. He can’t talk, he can’t look after himself. Without someone feeding him, and without a protective suit from the local authorities and hospital, I worry that my child can’t make it any longer.” Pahayag ni Yan Xiaowen.


Ayon sa ilang mga ulat ay dalawang beses lamang nahatiran ng pagkain ang kawawang binata sa loob ng anim na araw ng mga lokal na opisyal sa kanilang lugar. Ngunit hindi nagtagal ay pumanaw na rin ito bago pa man sila muling magkita ng kaniyang ama at kapatid. Hanggang sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga kinauukulan patungkol sa pagpanaw ng Chinese teenager.





error: Content is protected !!