Isang beauty merchandiser sa Paris ang hindi inakalang kaharap na niya pala si Dra. Vicki Belo na diumano ay gumagamit na ng kaniyang produkto sa Pinas!



Si Maria Victoria “Vicki” Gonzalez Belo-Kho ay kilalang celebrity dermatologist at sikat na personalidad sa Pilipinas. Siya ang founder, CEO, at ang Medical Director ng Belo Medical Group. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 15 mga medical clinics sa Metro Manila, Cebu, at Davao. Ang “Belo Medical Group” ang kauna-unahang “accredited ambulatory cosmetic surgi-centre” sa bansa na mayroong sertipikasyon ng Department of Health (DOH) at ineendorso ng Department of Tourism (DOT).



Taong 2013 naman nang mabigyan ng international accreditation ang Belo Medical Group ng National Accreditation Board of Hospitals and Healthcare Providers (NABH). Ito ang kaisa-isang clinic sa bansa sa Pilipinas na nakatanggap ng ganitong uri ng pagkakakilanlan.


Taong 2011 nang ipaalam nila sa publiko ang engagement nila ng kaniyang longtime boyfriend na si Hayden Kho. Ikinasal naman sila sa Paris noong 2017. Mayo ng taong 2016 nang ipinakilala nila sa publiko ang kanilang anak na si Scarlet Snow Belo. Talaga namang naging usap-usapan ng publiko ang enggrande nilang kasalan na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay, mga malalapit na kaibigan, at mga kakilala sa industriya ng show business.


Sa ngayon ay madalas na makikita sina Dra. Vicki, ang kaniyang mister na si Hayden at ang anak nilang si Scarlet sa kanilang mga social media accounts dahil malimit silang aktibo rito.
Kamakailan lamang ay nagtungo ang celebrity couple sa Paris. Upang dumalo sa gaganaping IMCAS World Congress. Ang pagpupulong na ito ay konektado sa plastic surgery at dermatology. Mayroong video na ibinahagi si Dra. Belo sa kaniyang social media account na talaga namang kinaaliwan ng publiko. Sa naturang video ay mapapansing naglalakad-lakad ang mag-asawa ng mapukaw ang kanilang atensyon ng isang produkto na “Perfecto X”.



Ayon sa beauty merchandiser ay ginagamit na diumano ng sikat na doktora na si Dra. Vicki Belo ang kanilang produkto sa Pilipinas noon pa man. Dagdag pa niya ay resulta ito ng naging mabusising pag-aaral ng NASA sa mga produktong maaaring makatulong sa mga pasyente ng “chemotherapy”. Dahil sa natuklasan nilang maaari din itong gamitin ng publiko para sa pagpapaganda ng kanilang mukha kung kaya naman mas isinusulong na nila ito sa merkado. Habang nag-uusap sila ay hindi mapigilang matawa ng mister ni Dra. Vicki dahil sa ang katotohanan ay hindi pa nila ito alam at hindi pa nila nasusubukan ang naturang produkto.
Laking gulat naman ng beauty merchandiser na ang kaniya pa lang tinutukoy na sikat na doktora ay kausap na niya mismo at nasa kaniya nang harapan.

 

View this post on Instagram

 

Do you think I should buy since Vicki Belo recommends it? @medinadvora

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

Nagustuhan naman ng doktora ang produkto dahil sa pagiging epektibo nito kung kaya naman bibili na siya nito upang mapatotohanan na ang sinasabi ng beauty merchandiser na ginagamit niya nga ito.




error: Content is protected !!