Jillian Ward bilang susunod na Marimar usap-usapan ngayon ng publiko!



Marahil hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang nakakakilala kay Marimar. Isa siya sa pinakasikat na karakter noon at unang napanuod bilang isang “Mexican telenovela” na unang nasubaybayan noong 1994. Sina Thalia at si Eduardo Capetillo ang bumida sa programang ito habang si Chantal Andere naman ang kontrabida.

Nagkaroon din naman ito ng bersyon na mula sa GMA network kung saan pinagbidahan ito nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na tinaguriang Primetime King at Primetime Queen ng Kapuso network taong 2007.

Makalipas naman ng walong taon ay nagkaroon muli ng teleserye ang GMA network kung saan pinagbidahan naman ito ni Miss World 2013 Megan Young at Tom Rodriguez.



Kamakailan lamang ay naging maugong na usap-usapan sa social media ang viral video ng Kapuso teen star na Jillian Ward kung saan siya ay sumasayaw sa saliw ng pamilyar na musika. Maraming mga netizens ang nagsasabing maaari na siyang maging susunod na Marimar.

Kitang-kita na ang pag-usbong ng talento ni Jillian Ward mula noong siya ay gumanap bilang si Trudis Liit hanggang sa ngayon na 14 na taong gulang na siya. Kapansin-pansin din ang kaniyang talento sa pagsayaw na isa sa mga pagkakakilanlan ni “Marimar”, ang husay nito sa pagsayaw.


Marami sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang nagsasabing handa na siya maging susunod na Marimar ngunit mayroon pa ding ilang mga netizens na nagsasabing masyado pa siyang bata upang gampanan ang role ng “Marimar”.



Sa kabila nito ay patuloy pa ring umaasa ang maraming mga netizens na makikita at masisilayan nila si Jillian bilang isang mahusay na aktres, at kalaunan ay magampanan din ang role na Marimar. Sa ngayon ay mapapanuod si Jillian kasama sina Althea Ablan at Sofia Pablo sa programa ng GMA network na Prima Donnas.

Si Jhylliane Wardë ay mas kilala ng publiko bilang s Jillian Ward. Siya ay isang aktres, commercial model at singer. Una na siyang hinangaan sa kaniyang natatanging pagganap bilang si Gertrudis “Trudis” Capili sa Sine Novela ng Kapuso network na pinamagatang “Trudis Liit”.



error: Content is protected !!