Magna Cum Laude ang anak ni Gretchen Barretto sa California College, mga netizens labis na humanga!



Si Gretchen Barretto ay isa sa pinakahinahangaang aktres noong kaniyang kapanahunan. Siya ay 49 taong gulang na sa ngayon ngunit talaga namang napakaganda pa rin nito sa kabila ng kaniyang edad. Dalawa pa sa kaniyang mga kapatid ang kilalang personalidad din sa industriya ng show business, sina Marjorie Barretto at Claudine Barretto.



Si Gretchen ang ikalimang anak nina Miguel Alvir Barretto at Estrella Castelo Barretto. Mayroon siyang unica hija sa kaniyang common-law partner na si Antonio “Tony Boy” Cojuangco Jr. na isa ring kilalang negosyante. Ang kaniyang magandang anak ay pinangalanan niyang Dominique Cojuangco.


Proud na proud din naman ang aktres hindi lamang dahil sa lumaking maganda at sopistakada ang kaniyang anak ngunit higit pa rito ay napakatalino rin nito at masipag mag-aral. Sa katunayan nga ay nagtapos ito ng Magna Cum Laude sa California College sa kaniyang kurso na merchandising and marketing sa Fashion Institute of Design and Merchandising.


Proud din namang ibinahagi ni Gretchen sa kaniyang social media account ang naging tagumpay ng kaniyang anak. Mayroon itong caption na, “My baby love” kung saan makikita din ang certificate ng kaniyang anak kung saan binigyang-diin pa niya ang mga salitang “Magna Cum Laude”.


Ibinahagi din naman ni Dominique ang kaniyang naging pagpapagal sa kaniyang pag-aaral sa kaniyang social media post. “Nahuli man ng 4 na taon, pero andito na ang aking ikalawang diploma.” Ito ang naging pahayag ng 25 taong gulang na dalaga. Noon pa man ay pangarap na ni Dominique maging isang Fashion Designer kung kaya naman hindi na nakapagtataka na pinagsisikapan niyang makamit ito ng mula sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa kaniyang pag-aaral at lalo’t higit dahil na rin sa walang sawang pagsuporta ng kaniyang mga mahal sa buhay lalo na ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Tunay nga na mayaman ka man o mahirap ay nasa sa iyo pa rin talaga ang ikagaganda ng iyong kinabukasan.






error: Content is protected !!