Yayamanin at eleganteng almusal ni Jinkee Pacquiao talaga namang hinangaan ng publiko!



Importante sa maraming mga Pilipino ang pagkain ng almusal at lalo itong mas sumasarap kung salo-salo at sama-sama ang buong pamilya. Bukod sa mabuti ito sa kalusugan ay talaga namang nakatutulong din ito sa pagiging malapit ng bawat isang miyembro ng pamilya. Ngunit ang paraan ng pag-aalmusal ng pamilya Pacquiao ay talaga namang kamangha-mangha. Katulad na lamang ng elegante at mamahaling almusal ni Jinkee Pacquiao.



Isa na yata sa pinakasinusubaybayang personalidad ngayon sa Pilipinas si Jinkee Pacquiao, ang may bahay ng legendary boxer at fighting senator na si Manny Pacquiao. Malimit siyang nagbabahagi ng kaniyang mga larawan at video sa kaniyang social media account na talaga namang hinahangaan at kinabibiliban ng publiko.


Bukod sa kaniyang mga mamahaling koleksyon ng mga damit, mga bag, mga sapatos, at mga alahas ay talaga namang inspirasyon din sa marami niyang tagahanga ang mga “bible verses” at mga “words of wisdom” na kaniyang ibinabahagi. Mayroon din siyang mga magagandang videos at larawan ng kaniyang mga pagbiyahe sa loob at sa labas ng bansa.


Tulad na lamang ng kanilang enggrandeng bakasyon sa isang mamahaling hotel sa Dubai. Bukod kay Manny at Jinkee ay kasama rin nila sa kanilang bakasyon sa “City of Gold” ang kaniyang kakambal na si Janet Jamora. Ngunit ang higit na nakapukaw sa atensyon ng publiko ay ang napaka-elegante nilang almusal.


Tunay nga na hindi lamang buhay reyna si Jinkee ngunit literal na naeenjoy nito ang maraming bagay sa kaniyang buhay tulad na lamang ng grandyosong almusal nilang ito.



Umani ito ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko. Maraming mga netizens ang nagpahayag ng kani-kanilang paghanga at komento sa mamamahaling almusal at sa grandyosong bakasyon na ito ng pamilya Pacquiao. Talaga namang naging inspirasyon sa maraming mga Pilipino ang naging pag-asenso at tagumpay ng pamilya Pacquiao na tulad ng marami sa ating mga Pilipino ay mula rin sa kahirapan at maraming pagsubok sa buhay.




error: Content is protected !!