Lalaking kamukha ni Kobe Bryant, kinagigiliwan ngayon ng publiko!



Si Kobe Bean Bryant ay 41 taong gulang na American professional basketball player. Siya ay isang shooting guard at nasa 20 season siyang naglaro sa Los Angeles Lakers para sa kaniyang professional career sa basketball. Nobyembre 1999 nang magkakilala sila ni Vanessa Laine na noon ay 17 taong gulang pa lamang habang si Kobe naman ay 21 taong gulang. Mayo 2000 ay napabalita ang kanilang nalalapit na kasal. Abril 18, 2001 nang ikinasal ang dalawa sa St. Edward the Confessor Catholic Church sa Dana Point sa California. Ang mga magulang ng sikat na basketbolista ay hindi sang-ayon sa kanilang pagpapakasal dahil para sa kanila ay sadyang napakabata pa nila upang lumagay sa tahimik.



Naging dahilan din ng kanilang pagtutol sa nasabing kasalan ang hindi pagiging isang African-American ni Vanessa. Dahil dito ay higit sa dalawang taon ding nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa at ang mga magulang ni Bryant. Ngunit taong 2003 nang magkaayos ang magkabilang panig buhat ng ipanganak ni Vanesa ang kanilang panganay na anak. Ang ikalawa nilang anak na si Gianna ay ipinanganak naman ng Mayo 2006. Dsiymebre 2016 ng ipinanganak ni Vanessa ang ikatlo nilang anak habang Hunyo 2019 nang isinilang niya naman ang kanilang bunsong anak na lahat ay mga babae.


Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasawi si Bryant kasama ang kaniyang 13 taong gulang na anak na si Gianna dahil sa pagbagsak ng helicopter na kanilang sinasakyan noong Enero 26, 2020. Ang nangyaring insidente ay kumitil din sa pito pang mga buhay kasama ang kanilang piloto. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin batid ang naging dahilan ng nakakalungkot na pangyayaring ito dahil ayon sa mga ulat ay walang “black box” ang kanilang sinasakyang helicopter. Ang pangyayaring ito ay talaga namang gumimbal at nagdulot ng pagdadalamhati sa marami niyang mga tagahanga lalo na sa kanyang pamilya.


Ngunit kamakailan lamang ay nagbigay ng mumunting kasiyahan at ngiti ang larawan na ito kung saan makikita ang lalaki na talaga namang kahawig ng nasawing NBA legend. Maraming mga netizens ang nagkomento na hindi na dapat sila malungkot pa at mangamba dahil nasa maayos naman nang kalagayan si Bryant. Ang viral na larawan ay ibinahagi ng Facebook page na “Huli ka Balbon Surprise” at mayroong caption na “Sabin a buhay pa si Kobe”.





error: Content is protected !!