Mga panganay na anak mas matalino kaysa sa kanilang mga kapatid ayon sa isang pag-aaral!



Marami sa ating mga Pilipino ang malalapit sa ating mga mahal sa buhay dahil sa pagpapahalaga natin sa ating nakaugalian na “closed-family ties”. Kung ikaw ay isa sa mga taong lumaki kasama ang iyong mga kapatid ay tiyak na naranasan mo na ding matanong kung sino nga ba sa inyong magkakapatid ang mas matalino? Kung kaya naman marahil ay isa kang panganay kung sa kasalukuyan ay binabasa mo ang artikulo na ito.



Ngunit kung ikaw naman ay “middle child” o ang bunso sa pamilya, tiyak na mahihirapan kang ipagpatuloy pa ang pagbabasa nito. Kung kaya naman kung ikaw ay panganay sa inyong magkakapatid, ito ang isa sa pinakamaswerteng mong araw dahil mayroong isang pag-aaral na nagpapatotoo na bilang isang panganay ay mas matalino ka nga kaysa sa iba mong mga kapatid. Alamin sa artikulo na ito kung bakit.


Ang naturang “international study” ay mula pa sa University of Edinburgh kung saan ayon sa kanilang ginawang pag-aaral ay mas matalino ang mga panganak na anak sa pamilya at sa katunayan nga ay mas mataas din ang mga resulta nila sa mga ginawang IQ tests sa murang edad na isang taong gulang pa lamang! Ito ay dahil sa tinatawag na “mental stimulation” na nararanasan nila noong sila ay bata pa. Ayon pa sa pag-aaral, maaaring parehas lamang ang ibinibigay na suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak sa usaping emosyonal ngunit dahil ang mga panganay na anak ay walang kahati sa atensyon ng kanilang mga magulang mas nahahasa sila sa mga gawain nang sila lamang mag-isa tulad na lamang ng pag-iisip, pagbabasa, musika at maging sa sining.


“Our results suggests that broad shifts in parental behavior are a plausible explanation for the observed birth order differences in education and in labour market outcomes,” Pahayag ni Dra. Ana Nuevo-Chiquero mula sa University of Edinburgh, school of economics. Ayon sa pag-aaral ay nakapagkalap ng mga impormasyon ang naturang pag-aaral sa US Bureau of Labor Statistics kung saan mayroong nasa 5,000 mga bata hanggang sa edad 14-anyos ang lumahok sa ginawang pag-aaral na ibinase rin sa “family background” at “ economic conditions”.


Source: DefinitelyFilipino






error: Content is protected !!