Paano ka maliligo kung nagyeyelong tubig sa inyong banyo ang sasalubong sa iyo?



Maraming mga dayuhan ang nawiwiling pumunta sa ating bansa dahil sa kakaiba nating klima. Marahil ay marami sa atin ang nakapapansin na mayroong mga araw na talaga namang tirik na tirik ang araw at mayroon din namang mga araw na bigla na lamang aambon o di kaya naman ay uulan ng napakalakas. Ngunit hindi dapat natin makalimutan na ang klima na ating nararanasan sa Pilipinas ay iisa lamang, at ang tawag dito ay “tropical climate” kung saan nakakaranas tayo ng mga panahong mainit o di kaya naman ay maulan.



Sa mga panahong mainit at tirik ang araw ay talaga namang nagsusumikap ang marami sa atin na magtanim ng mga palay at iba pang mga pananim habang ang iba naman ay naghahanda na upang mag-ani. Malimit din tayong nagbibyahe o naglalakbay kung maganda at maaliwalas ang panahon kasama ang ating mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan. Kung panahon naman ng tag-ulan ay kadalasang nasa loob lamang tayo ng ating mga tahanan, nagpapahinga, nanunuod ng mga palabas sa telebisyon o pelikula kasama ang ating pamilya.


Ngunit isa na yata sa mahirap gawin sa ngayon ay ang maghanap ng lakas ng loob sa pagligo lalo na kung sadyang napakalamig ng panahon lalo na ngayo at umiiral ang hanging Amihan sa ating bansa at maging ilang mga bagyo din ang dumaraan sa ating mga lugar na nagdudulot din na mas malamig na pakiramdam.


Hindi na nakapagtataka na maraming mga netizens ang naka-relate sa larawang ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Jhay Eslao. Ang larawang kaniyang ibinahagi ay isang larawan ng malaking lalagyan ng tubig na literal na nagyeyelo. Ayon pa sa kaniyang caption: “Sige sabihin nyo kung paano ako maliligo!” Ang kaniyang viral post ay mayroon nang mahigit sa 17,000 mga reaksyon at 35,000 mga shares habang isinusulat ang artikulo na ito. Umani rin ito ng napakaraming mga komento mula sa mga netizens na tila damang-dama din ang hirap nang pagligo sa ganitong sitwasyon.


Source: DefinitelyFilipino




error: Content is protected !!