Mga kabataang Pilipino noon, “No Internet, No Worries”!



Marami sa mga Pilipinoong kabataan ngayon ang mapapansin mong nakatutok sa kanilang mga computer, mga cellphone, at mga gadgets. Mayroon namang mga magagandang benepisyo ito ngunit mas marami ang hindi nagiging magandang dulot nito lalo na sa maraming mga kabataan. Mayroong ilang mga pangyayari kung saan ang ilang mga kabataang Pilipino na maagang gumagamit ng mga gadget ang lumalabo ang mga mata, o di kaya naman ay mas nababawasan ang pakikipag-interaksyon sa iba pang mga kabataan.




Kamakailan lamang ay talaga namang pumatok sa mga netizens ang mga larawang ito sa social media kung saan makikita ang maraming mga kabataan na nagsasaya kasama ang kanilang mga kaibigan kahit wala silang mga gamit na gadget, cellphone, o mga computer, wala pa ring internet ng mga panahon na iyong kung kaya naman makikita talaga ang interaksyon at komunikasyon ng mga kabataan noon.


Ilan sa mga larawan na ito ay ang mga batang masayang naglalaro sa kabukiran, kung saan maaari mong gawin ang kahit anong gusto mo nang hindi ka nag-aalala na ikaw ay madadapa o mabubukulan. Tiyak na maraming mga netizens din ang naka-relate sa larawan ng mga bata na aakalain mong namimingwit ng isda ngunit naghihintay pala ng mga palakang bukid na kumapit sa kanilang mga pa!n.



Ilan pa sa mga hindi malilimutang sandali ng maraming mga kabataang Pilipino noon ay ang pag-uunahang pagsakay sa kariton na hila-hila ng kalabaw! Ang matataas na kawayan naman ay ginagamit din natin sa ating paglalaro noon ng “Tiyakad” na isang tradisyonal na larong Pilipino kung saan ito ay masayang karera kasama ang mga kaibigan. Tiyak na marami din sa atin ang nakaranas na umakyat ng puno, manguha ng bunga, at pagsaluhan ito kasama ang mga kaibigan.



Tunay nga na walang makapapantay sa ligaya at sayang dala ng ating kabataan noon na tila pinaglipasan na ng panahon. Mga panahon noon na wala pang Internet, social media at wala pang mga modernong gadgets.




error: Content is protected !!