Netizens nasorpresa at kinilig sa post ng bride na ito na: “I married my ex-boyfriend!”



Kapag usapang “Ex” nga naman ang magiging paksa ng kwentuhan tiyak na maraming mga hugot ang mga Pilipino pagdating diyan. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na magin patok sa social media ang kwento na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Aika Ota-Paglinawan.



Ang kaniyang post ay mayroong nakakaintrigang pamagat na “I Married My Ex-Boyfriend” kung kaya naman talagang pumatok ito sa maraming mga netizens. Sa Facebook post na ibinahagi ni Aika sa social media ay inilarawan niya ang kanilang nakakakilig na kwento sa publiko.


Ayon sa kaniyang kuwento ay taong 2010 nang maging kauna-unahang nobyo niya si Clark Sebastian Paglinawan, ito rin ang kaniyang “unang pag-ibig”. Sa edad na 13 taong gulang ay tila masyadong naging maaga ang kanilang pakikipagrelasyon sa isa’t-isa kung kaya naman maaga rin itong natuldukan. Hindi akalain ni Aika na sa muli nilang pagtatagpo ay magbabalik ang naudlot nilang pagmamahalan para sa isa’t-isa. Makalipas ang siyam na taon ay sino nga ba ang mag-aakala na muli na naman silang magkakatagpo at ang kanilang “forever” ay dito a magsisimula.


Talaga namang laking pasasalamat ni Aika at muli silang pinagtapo ng tadhana, muli silang nagkita, at muling nagkaroon ng pagkakataon ang isa’t-isa para sa kanilang pagmamahalan. Maraming mga netizens ang kinilig at talaga namang nagkaroon ng magandang inspirasyon para sa tunay na kwento ng pagmamahalan ng dalawang ito. Tunay nga na kung para sa iyo talaga ang isang tao ay walang makakahahadlang kahit pa ang maraming taon o ang panahon na lumipas upang mabigyang katuparan ang mga katagang “happily ever after”. Bagamat maraming mga pagsubok pa silang maaaring kaharapin sa paglipas ng mga taon ay mananatili pa rin ang kanilang wagas at tunay na pagmamahal para sa isa’t-isa.




Kung kaya naman kung isa ka sa mga taong naging malamig ang Pasko o magiging malamig ang Araw ng nga Puso, huwag kayong mag-aalala dahil tiyak na darating at darating pa rin ang tao na nakalaan para lamang sa iyo. Kailangan mo lamang maghintay, at manalangin upang ito ay iyong makamtan.




error: Content is protected !!