Xian Gaza, May Valentines Gift Na Mustang Bouquet Kay Nadine Lustre



Marahil ay maraming kalalakihan at kababaihan na naman ang naghahanda para sa nalalapit na Araw ng mga Puso. Sa parating na mahalagang selebrasyon na ito para sa mga mag-irog ay inaasahan na natin ang mga trending cheesy posts sa araw na ito. Ngunit tila naunahan na ata ng personalidad na si Xian Gaza ang maraming kalalakihan dahil sa naging trending post nito kamakailan lang.



Viral Post

Patok sa social media ngayon ang Valentine’s post ni Xian Gaza na patungkol sa aktres na si Nadine Lustre. Sa viral na litrato ay makikita ang tila tinawag nitong “Bouquet of Mustang” na diumano ay handog ni Gaza para sa aktres na single na ngayon. Ang litrato ay may kalakip na mensahe na kung saan ay isinaad nito ang pagiging KSP pagdating sa larangan ng pag-ibig. Aniya ay ginagawa nito ang lahat lahat ng kanyang makakaya upang sya ay mapansin ng babaeng nagugustuhan.


Throwback Ligaw


Matatandaang naging viral ang panligaw ni Xian Gaza kay Ella Cruz noong 2016 at kay Erich Gonzales na kung saan ay nagpa-billboard pa ito ng kanyang ‘ligaw message’ para sa aktres. Ganunpaman, tila isang epic **** pa din umano ang efforts nito. At sa paglipas ng tatlong taon, heto na muli si Xian upang suungin ang kanyang tadhana na mapasagot ang isa na namang aktres. Saad nito,

“Three years after, here I am again. Nagpapapansin naman this time sayo. Maaari nanamang magmukhang tanga at katatawanan ng publiko but idgaf sa opinyon ng iba. This is me, this is how I express myself, this is the way I am.”



Deserve na deserve!

Dagdag pa nito, pinupunto ni Gaza na ang pagreregalo nito ng Ford Mustang kay Nadine ay hindi nangangahulugan na binibili nito ang pagkababae ng huli. Aniya ay afford nito ang mamahaling sasakyan dahil ang financial capability nito sa kasalukuyan ay maayos ang takbo. Aniya pa, deserve umano ni Nadine na mabigyan ng isang Mustang.

Paglilinaw pa ni Xian sa kanyang pakay kay Nadine,

“All I want is to be your acquaintance, nothing more nothing less.



Happy Valentines to you, Nadine.”

Reaksyon ng netizens

Kung maraming netizens ang nagbigay ng suporta kay Xian, may mangilan din naman ang nagtaas ng kilay sa engrandeng ligaw moves ng huli.

Makakatanggap nga kaya ng reply si Xian mula kay Nadine o baka isa na namang itong epic **** na panliligaw?

Source: Xian Gaza




error: Content is protected !!