Categories: Amazing

Lalaki na nagbigay ng mga praktikal na regalo para sa kaniyang nobya sa Valentine’s Day, umani ng mga papuri sa social media!

Nakasanayan na nating mga Pilipino ang pagdiriwang ng Valentine’s Day o Araw ng mga Puso tuwing sasapit ang ika-14 na araw ng Pebrero. Kadalasang sinosorpresa ng mga nobyo o nobya, o maging ng mga mag-asswa ang kanilang mga kapareha ng mga bulaklak, tsokolate at iba pang mga romantikong regalo. Ngunit kakaiba ang naging paraan ng lalaki na ito nang pagpapakita ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang sinisinta sa Araw ng mga puso.

Sa halip na bigyan niya ang kaniyang minamahal na nobyang si Sarah Grace Quinto ng mamahaling mga bulaklak, pabango, o tsokolate, naging mas praktikal si Adrian Scott Dela Cruz at niregaluhan niya ito ng isang sako ng bigas! Ibinahagi sa social media ng praktikal na nobyo ang larawan ng kaniyang napagandang regalo para sa kaniyang nobya at mayroon itong caption na:


“Mahal ko, ito nalang regalo ko sayo kesa sa bulaklak ha? Idadaan ko nalang sa bahay ninyo ito ngaun. Sana magustuhan mo toh. Happy Valentines day mahal ko! #BigasFebIbig,” Pahayag ni Dela Cruz.
Ngunit bukod pa rito ay nagdikit din siya ng isang sulat-kamay na mensahe para sa kaniyang nobya na nagsasabing: “Mahal kong Sarah,Maging praktikal na tayo ngayon. Dahil ang presyo ng bulaklak ay presyo na ng isang sakong bigas. Sana alagaan mo ang katawan mo.Nagmamahal, Adrian,” Dagdag pa niya.

Bukod pa rito ay nakatanggap din ang nobya ng isang kahon ng mga ulam mula sa kaniyang nobyo ng sumunod na Valentine’s Day. Ang kahon na puno ng ulam ay mayroong hito, manok, baboy, at iba pang uri ng isda na paborito ng dalaga. Taong 2019 naman ng niregaluhan siya nito ng isang case ng beer dahil sa kabila ng tagal ng kanilang relasyon ay nananatili pa ring “malakas ang tama” niya sa kaniyang nobya.

Talaga namang kinagiliwan ng maraming mga netizens ang naging sorpresa ng nobyo para sa kaniyang sinisinta. Tunay nga na nakakatuwang malaman na maraming mga tao sa ngayon ang mas pinipiling maging praktika kaysa sumabay sa agos o di kaya naman ay gayahin ang mga bagay na nauuso lamang at hinihingi ng panahon. Bukod sa mga taong nagmamahal at praktikal na sa mga panahon ngayon ay talaga namang mayroon pa din namang iilan na nagagalak sa tuwing makakatanggap ng mas praktikal na mga regalo kaysa malaking halaga ng salapi o iba pang mga mamahaling bagay.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago