Matandang lalaki na inakalang pulubi sa loob ng isang “Pawnshop”, isa pa lang ama na nagpadala ng pera sa kaniyang mga anak!



Madalas, aminin man natin o hindi ay nahuhusgahan natin ang ilang mga tao sa ating paligid depende sa kanilang anyo o kasuotan. Maraming mga tao na hindi maayos ang kasuotan o di kaya naman ay marurumi ang mga panlabas na anyo ay nahuhusgahan bilang mga pulubi. Kadalasan ay nangyayari ito dahil sa nagtatrabaho pala ang mga tao na ito nang marangal at sadyang nadudungisan lamang ng putik o ng grasa ang kanilang mga damit.



Tulad na lamang ng nangyari kamakailan lamang nang ang isang matandang lalaki na hinusgahan ng marami dahil lamang sa marumi nitong kasuotan o kaanyuan. Nakakalungkot isipin na masama ang naging tingin ng mga tao sa loob ng pawnshop sa matandang lalaki dahil sa pag-aakala na pulubi ito at manghihingi ng limos sa kanila. Dahil naramdaman na din ng matandang lalaki ang impresyon sa kaniya ng mga tao na ito ay tumayo na lamang siya ng tahimik sa isang sulok ng naturang establisyemento.

Ngunit hindi akalain ng mga taong mapanghusga at mapangutya na ang matandang lalaki pala na ito ay katulad din nila na “customer” at naroroon din siya upang magpadala ng pera para sa kaniyang pamilya. Nakaramdam ng kahihiyan ang mga taong nasa loob ng pawnshop dahil sa mali nilang akala. Ang matandang lalaki ay nagsusumikap para masuportahan niya ang kaniyang mahal na pamilya sa kabila ng kaniyang edad at hirap ng trabaho na kaniyang dinaranas.


Tiyak na maraming mga tao ang natuto sa naging pangyayari na ito dahil hindi lahat ng inaakala nating tama ay wasto. Madalas ay nahuhusgahan din natin ng hindi tama ang ilang mga tao depende sa kanilang panlabas na kaanyuan o kasuotan. Marahil ay mas dapat nating pagtuunan ng pansin ang pagiging mabuti sa ating kapwa bago ang lahat. Ayon nga sa isang kasabihan, hindi dapat natin husgahan ang isang libro dahil lamang sa pabalat nito, bagkus ay mas marapat na basahin muna natin ito, saliksikin, at obserbahang mabuti kung ano ba talaga ang nilalaman nito.




error: Content is protected !!