Naranasan mo din bang tumira sa ganito kasimpleng tahanan noon?



Marami sa ating mga Pilipino ang nakaranas na manirahan noon sa isang simple at tradisyunal na bahay kubo. Ang bahay kubo noon ay isa sa mga pinakapayak na tirahan ng maraming mga pamilya. Ang ganitong uri ng bahay ay tipikal na gawa lamang sa mga kawayan na magkakasamang itinatali, at ang bubong naman nito ay mula sa binigkis na dahoon ng nipa o anahaw. Lingid sa kaalaman ng ilang mga kabataan ngayon na ang bahay kubo ang pambansang bahay ng Pilipinas.

Bago pa man dumating ang mga Espanyol ito na ang nakagisnan na tahanan ng mga Pilipino. Kung inaakala natin na wala nang mga ganitong uri ng tahanan sa ngayon lalo na at moderno na ang istilo ng pamumuhay ng maraming mga pamilya ay mayroon pa din namang mga lugar kung saan nagtatayo pa rin sila ng mga bahay kubo tulad na lamang ng naninirahan sa gitna ng mga bukirin.

Maraming mga Pilipino ang hindi makakalimot sa masasayang alaala nila sa ganitong klase ng tirahan. Maaaring napakapayak ng ganitong tahanan para sa marami ngunit sadyang napakakomportable at simple ng ating pamumuhay noon kahit pa sa bahay kubo tayo nakatira at hindi sa bahay na bato.




Sadyang napakasariwa at napakapresko rin ng hangin na hindi mo mararanasan sa mga siyudad at iba pang mga lugar sa bansa. Talaga namang nakakamiss ang ganito klase ng pamumuhay na hindi ka na maghahangad pa ng maraming mga bagay sa mundo.


Ang pagkakaroon ng komportable, simple, at masayang pamumuhay sa probinsiya, sa ganitong klase ng bahay ay talaga namang hindi mahihigitan ng anumang halaga ng salapi. Kung kaya naman sa kabila ng maraming mga pagbabago sa ating kapaligiran at sa ating pamumuhay sa ngayon, talaga namang mapalad pa rin ang mga taong nakaranas mamuhay ng simple noon ngunit masaya at napakakomportable. Kung sana ay maaari pa rin itong maranasan ng mga Pilipinong kabataan sa ngayon.




error: Content is protected !!