Simple lamang ang bahay na ito sa labas ngunit talaga namang magugulat ka sa ayos at disenyo nito sa loob!



Marami sa atin ang nangangarap noon pa man na makabili at makapagpundar ng sarili nating tahanan. Dahil sa kahirapan ng buhay ay marami sa ating mga Pilipino ang nangungupahan na lamang ng tirahan sa halip na magpundar ng sarili nating mga tahanan.



Ito ay dahil sa napakabigat talaga sa bulsa ang maglabas ng malaking halaga ng salapi para lamang makabili ng pinapangarap nating bahay at lupa. Sa paglipas ng panahon ay hindi natin napapansin na ang mga salapi na ibinabayad natin sa pagrenta ng bahay ay nababalewala din naman dahil sa hindi magiging sa atin kailanman ang inuupahan nating bahay kahit ilang taon pa ang lumipas.


Kung kaya naman marami sa ating mga Pilipino ang pinipili na lamang magtrabaho sa ibang bansa upang makapag-ipon ng salapi na gagamitin upang makapagpundar at makabili na ng sariling bahay at lupa para sa pamilya.


Hindi alintana ang hirap sa ibang bayan at ang sakripisyo na mawalay sa mga mahal sa buhay para lamang sa malaking halagang maaaring maiuwi sa pamilya. Ngunit kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko dahil sa viral na larawang ito na kumakalat sa social media. Ang naturang larawan ay ibinahagi ng Facebook page na “Traditional Life” kung saan mayroon itong caption na “Ganda ng bahay na to. Simple lang pero may pambato.” Umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa mga netizens ang mga larawan na ito.


Kapansin-pansin sa mga viral na larawan ang simpleng tahanan na ito na aakalain mo sa unang tingin na payak at simpleng tahanan lamang talaga. Ngunit kung masisilayan mo ang disenyo sa loob nito ay talaga namang mamamangha ka sa ganda! Kumpletong kumpleto ito mula sa banyo nito na mayroong mga “tiles”, lababo na mayroon ding gripo at maging mga “kitchen cabinet”.



Mayroon ding maayos na higaan at pahingahan sa loob kahit pa maliit at makitid ang bahay na ito sa unang tingin. Talaga namang napakaelegante at napakagandang tahanan ito na kakasya ang isang maliit na pamilya.