Sosyal na boodle fight ng magkakaibigan, mamahaling spam, hotdog at itlog ang ulam!



Aminin man natin o hindi, marami sa atin ngayon ang talaga namang sarap na sarap sa pagkain. Hindi maipagkakaila ang katotohanang ito dahil sa napakarami talagang masasarap na pagkain ang mga Pilipino. Hindi lamang mga panghimagas, kakanin, lalo’t higit ang iba’t-ibang klase ng mga putaheng ulam na talaga namang tatakam at tatakam sa iyo! Dahil sa maging “bonding” na rin ng maraming mga Pilipino ang sama-samang pagkain, pamilya man o grupo ng magkakaibigan.


Kamakailan lamang ay kinaaliwan nga sa social media ang boodle fight ng magkakaibigan na ito dahil sa sosyal na “spam” lang naman ang nakalatag sa kanilang hapag-kainan. Mamahalin ang brand na ito kung kaya naman hindi ito madalas bilhin ng marami sa atin lalo na kung medyo kapos ang ating mga budget. Ang naturang viral post ay mula sa Facebook page na “Usapang Foodtrip” na ibinahagi ng netizen na si Kevin Sarte Dayrit. Nakalatag sa isang mahabang lamesa ang dahon ng saging at ang kanilang kanin ngunit ang kaibahan nito sa ordinaryong boodle fight ay ang pagiginh sosyal ng kanilang ulam.



Kapansin-pansin ang siyam na lata ng “Spam” sa bandang dulo ng lamesa na nagkakahalaga lang naman ng halos 200 piso kada isang lata! Ang viral post na ito ay mayroon nang higit sa 4,000 na mga reaksyon, 3,800 na mga komento, at 7,000 na mga shares. Napakarami ding mga netizens ang nakakuha ng ideya sa gagawin nilang preparasyon sa nalalapit nilang mga selebrasyon. Talaga namang katakam-takam kumain ng ganito lalo na kung kasama mo ang iyong mga malalapit na kaibigan o ang iyong mga mahal sa buhay.

Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:


“Hanep, may idea na ako sa gagawin kong birthday. Ganito na lang, boodle fight. Simple pero sigurong magiging masaya to lalo na ang kaklase kong malalakas kumain,” pahayag ng isang netizen.


“Gusto ko rin ng boodle fight pero wala kaming Spam. Tuyo na lang. Kahit ano namang handa basta buo ang tropa, masaya na yan,” komento naman ng isa pang netizen.




error: Content is protected !!