Pangarap mo din ba ang ganito ka-komportable at kapresko na bahay kasama ang iyong minamahal?



Nakasanayan na ng marami sa atin ang pagdiriwang ng “Araw ng mga Puso” sa tuwing sasapit ang ika-14 na araw ng Pebrero. Talaga namang patok na patok ang mga tsokolate at mga bulaklak sa panahong ito. Maraming mga magsing-irog din ang talaga namang naglalaan ng panahon at ng oras upang ipagdiwang ang araw na ito ng magkasama kahit gaano pa sila kaabala sa kanilang mga trabaho.



Napakasarap lang talaga sa pakiramdam na mayroon kang minamahal sa buhay na ito na mahal na mahal ka rin naman. Wala na nga talagang papantay pa sa pagkakaroon ng masayang pamilya kasama ang taong pinakamamahal mo, maayos at komportableng bahay kung saan ninyo itataguyod ang pamilya na matagal na ninyong pinapangarap.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang mga larawan na ito mula sa Facebook Page na “Magsasaka Mabuhay Ka”. Ilan sa mga larawang ibinahagi nila sa social media ang talaga namang pumukaw sa atensyon ng publiko.


Sa naturang post na nilagyan nilang caption na “Simple lang ang pangarap ko, yung simpleng buhay, simpleng bahay at mahanap ko ang taong mamahalin ko at mamahalin din ako hanggang sa pagtanda ko.” Umani ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko ang naturang post kung saan makikita din ang ilang mga larawan ng isang magandang bahay kubo. Simple man itong maituturing ngunit talaga namang napakakomportable at napakagandang pagmasdan.



Tunay nga na kung mayroon kang ganitong klaseng bahay at kasama mo ang tao na iyong minamahal ay wala ka nang mahihiling pang kahit ano. Isang napakagandang pagpapala mula sa Diyos ang makanap ka ng tao na magmamahal sa iyo ng buong puso at makakasama mo hanggang sa iyong pagtanda.



Ikaw, nahanap mo na ba ng iyong minamahal? Kung hindi pa ay huwag kang mawalan ng pag-asa dahil tiyak na matatagpuan mo din siya sa tamang panahon na ipagkakaloob sa iyo ng Diyos.




error: Content is protected !!