Bagong tambalan nina James Reid at Nancy McDonie labis na kinakikiligan ng maraming mga Pilipino ngayon!



Kung pagpapakilig lang naman ang pag-uusapan hindi mapagkakailang maraming mga Pilipinong aktor ang hindi magpapahuli lalo na kung para sa kanilang mga tagasuporta at tagahanga. Hindi na nakapagtataka na maraming mga Pilipino sa ngayon, bata man o matanda ang talaga namang sumusuporta sa mga iniidolo nilang artista at personalidad sa telebisyon man o sa mga pelikula.

Isa na marahil sa pinakagwapong aktor sa industriya ng show business ngayon ay si James Reid. Si Robert James Marquinez Reid o mas nakilala ng publiko sa pangalang James Reid ay 26 na taong gulang na Filipino-Australian actor, singer-songwriter, mananayaw, modelo, record producer at record label executive. Taong 2010 nang sumibol ang kaniyang karera sa show business industry matapos siyang tanghalin na Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.


Minahal siyang lalo ng publiko dahil na rin sa pagiging mapagmahal at maalaga nitong nobyo sa kaniyang longtime girlfriend noon na si Nadine Lustre. Hindi man nagtagal ang kanilang relasyon ay marami pa rin silang napahangang mga tao at nagsilbi rin silang inspirasyon para sa maraming mga kabataang Pilipino.



Sa ngayon ay abala si James sa nalalapit nitong proyekto kasama ang international star na si Nancy McDonie. Si Nancy ay isa sa miyembro ng sikat na South Korean K-pop girl group na “Momoland”. Ngunit bukod pala sa angking husay ng dalaga sa pagsayaw at pag-awit ay mayroon din itong natatagong talento sa pag-arte.

Nalalapit nang mapanuod ng publiko ang series ng dalawa na mayroong pamagat na “The Soulmate Project”. Talaga namang kitang-kita ang “chemistry ng dalawa on-screen. Maraming mga Pilipino ang hindi mapigilang kiligin sa bagong tambalan na ito. Sa ngayon ay sumasabak na ang dalawa sa ilang mga workshops bilang paghahanda sa nalalapit nilang proyekto.




Si Nancy Jewel Mcdonie o mas kilala bilang si Nancy ng Momoland ay 19 na taong gulang na South Korean singer na talaga namang bumihag sa puso ng maraming mga Pilipino dahil sa husay nito sa pagsasayaw at sa mala-anghel nitong kagandahan.



error: Content is protected !!