Maganda at sexy na modelo handa raw mahalin at alagaan si Willie Revillame!



Si Wilfredo Buendia Revillame o mas nakilala ng publiko bilangs si Willie Revillame ay 59 taong gulang na host sa telebisyon, singer-songwriter, negosyante, aktor at komedyante. Kamakailan lamang ay naging usap-usapang ang viral video nila ng isa sa mga kalahok sa kaniyang programang Wowowin.



Ang 21 taong gulang na modelo ay nakilala bilang si Mycah. Talaga namang nakakabighani ang angking kagandahan at kasexyhan nito. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na maraming mga kalalakihan ang nagagandahan sa kaniya. Ngunit ikinagulat ng publiko na siya pala ay “single” sa ngayon at walang nobyo. Ayon sa dalaga ay ayaw niya nang balikan pa ang lalaking nanloko sa kaniya. Hindi rin naman ikinaila ng dalaga na malaki ang paghanga niya sa komedyante at host na si Revillame.

Image credit: Wowowin



Dagdag pa nga ng dalaga ay hindi naman mahirap mahalin ang Kapuso host. Diumano ay handa pa nga siyang mahalin ito at alagaan sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad. Dahil sa sinabi ng dalaga ay hindi napigilan ni Revillame na mangiti at kiligin ngunit binigyang-diin nito na sa edad niyang 59-anyos at siya naman ay 21 pa lamang, napakalaking deperensiya nito kung tutuusin dahil sa edad ni Revillame na 38-anyos ay hangin pa lamang ang dalaga, pagbibiro pa nito.



Hindi rin naman nagpahuli sa pagiging kwela at makulit ang batikang host dahil sa nakipagpalitan din ito ng eksena sa dalaga na kunwari ay mayroong hostage taking na nagaganap kasama ang isa pang contestant ng show na si Echo.



Tunay nga na para sa maraming mga Pilipino ay hindi naman talaga hadlang ang edad o ang estado ng buhay pagdating sa pag-ibig. Mas importante pa rin ang pagiging tunay at wagas ng nararamdaman ng isa’t-isa para sa bawat isa. Kung kaya naman hindi rin masama na pakinggan natin ang payo ni Revillame na kung magmamahal ka ay marapat lamang na piliin mo ang taong mamahalin at pahahalagahan ka rin gaya ng pagmamahal at pagpapahalaga mo sa kaniya.

Source and Credit: Wowowin Youtube Channel



error: Content is protected !!