Netizens kinagigiliwan ngayon ang throwback photo ni Vaseline Girl Alexa Ilacad sa social media!



Si Alexa Ilacad ay 19 na taong gulang na aktres, mang-aawit, at mananayaw. Marami na rin siyang mga programa at mga commercial na nagawa kahit noong bata pa siya. Ngunit mas nakilala siya ng publiko ng mapabilang siya sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit. Taong 2004 at 2005 nang una siyang napanuod sa television commercial ng Vaseline shampoo. Ilan sa mga proyekto na nagawa niya noon ay ang Luv U, Bagito, The Good Son.



Nabigyan na rin siya ng pagkakataon na makapag-release ng sarili niyang album na mayroong pamagat na “The Moon And Back”. Mayroon itong anim na mga kanta at acoustic version ng kantang “Kahit Saan, Kahit Kailan”. Naging malaking tulong sa kaniya ang bokalista ng Gracenote na si Eunice Jorge para sa kaniyang album.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko sa social media ang throwback photo ni Vaseline Girl Alexa Ilacad sa social media. Kinagiliwan ito ng publiko dahil sa napacute na hitsura ni Alexa noon. Ibinahagi ng dalaga ang larawan niya na ito bago sumapit ang kaniyang ika-20 taong kaarawan. Ayon pa sa kaniya ay tila hindi siya makapaniwala na malapit na siyang maging isang hanap na dalaga dahil lilisanin na niya ang kaniyang pagiging teenager.


Tuwing ika-26 na araw ng Pebrero ipinagdiriwang ni Alexa ang kaniyang kaarawan. Umani ng napakaraming mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang larawan ng dalaga. Maging ang ilan sa mga sikat na artista at personalidad ay nagbigay din ng kani-kaniyang komento patungkol sa cute niyang larawan. Sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 94,000 favorites ang naturang post ng Kapamilya actress.




Talaga namang kapansin-pansin ang angking kagandahan ng aktres mula pa noong bata ito hanggang sa ngayon. Kung noon ay cute na cute siya dahil na rin sa kaniyang “double chin”, mas hinahangaan naman siya ng marami sa ngayon dahil sa kaniyang natatanging kahusayan sa pag-arte at sa kaniyang angking kagandahan.



error: Content is protected !!