Netizens, nagulat sa larawan ng “paternal grandfather” ni Kylie Padilla na ibinahagi nito sa social media!



Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagiging malapit sa bawat miyembro ng ating pamilya mula noon hanggang sa ngayon. Hindi tulad ng ilang mga nasyonalidad ay talaga namang isa ito sa mga kaugalian na hinahangaan sa atin ng iba pang mga bansa. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na sa pagtanda ng bawat isa sa atin ay nakasanayan na nating mamuhay kasama ang ating mga mahal na lolo at lola.


Talaga namang wala nang makahihigit pa sa napakagandang karanasan natkn kasama ang ating mga mahal na lolo at lola noon. Sadyang napakamapagmahal nila at maalalahanin sa ating mga apo nila. Sabi nga ng marami ay mas mahal ng mga magulang ang kanilang mga apo kaysa sa kanilang mga anak ngunit marami ang hindi rin papayag sa mga sabi sabi na ito.




Ngunit sa kabilang banda, kahit gaano pa kasaya ang marami sa atin dahil sa ating naging pambihitang karanasan kasama ang ating mga mahal na lolo at lola ay mayroon pa ding ilan sa atin na hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon na makasama ang kanilang mga lolo at lola dahil sa pumanaw na ang mga ito bago pa man nila makilala.


Kamakailan lamang ay naging usap usapan ng publiko ang ibinahaging larawan ni Kylie Padilla ng kaniyang lolo na ama ng kaniyang ama na si Robin Padilla. Mayroong itong caption na “Wish I met you and got to know you Lolo. I think we would have got along.” Maraming mga netizens ang namangha sa angking kagwapuhan ng kaniyang lolo ngunit mas marami ang nagtatalo kung sino nga ba ang mas kamukha ng nakatatandang Padilla sa kaniyang mga anak na lalaki.




Ang lolo ni Kylie ay si Roy Padilla na ama ng kaniyang tatay na si Robin Padilla at tatlo pa nitong mga kapatid na sina Rustom “BB Gandanghari”, Royette, at Rommel. Ang kanilang ina ay ang aktres din na si Lolita Eva Cariño. Ayon sa ilang mga ulat ay nakilala bilang dating pulitiko si Roy na nagsilbi bilang gobernador ng Camarined Norte mula 1975 hanggang 1988. Isa rin siyang kilalang direktor at aktor ng kaniyang kapanahunan.



error: Content is protected !!