Pinoy taxi driver nagsauli ng P175, 000 na halaga ng perang naiwan ng German na mag-asawa sa kaniyang sasakyan!



Usap-usapan ng publiko ngayon ang taxi driver na ito dahil sa pambihira niyang katapatan at dahil sa pagsasauli niya ng malaking halaga ng salapi sa mag-asawang German na minsa niyang naisakay sa kaniyang taxi.



Hindi ito natinag kahit pa nga mahirap ang buhay at mayroon siyang limang mga anak. Ayon sa ilang mga ulat, sumakay ng Wilcon Depot papuntang City Scape Residences ng Bacolod ang mag-asawang foreigner. Ang kahanga-hangang driver na nakilala sa pangalang Jhowny Camolista ang nakapansin sa naiwanang bag ng mag-asawa na naglalaman pala ng malaking halaga ng salapi at ilang mga importanteng dokumento.



Hindi naman nagdalawang-isip si Camolista at inihatid niya kaagad nang hapon din na iyon ang naturang bag sa “Bombo Radyo Bacolod”. Nabalitaan naman ito kaagad ng mag-asawang German national at laking tuwa nila nang muling maibalik sa kanila ang mga nawawala nilang gamit.



Ang mag-asawang German ay nakilala bilang sina Thomas Schick, 71 taong gulang, at si Jutta Schick, 57 taong gulang. Naibalik sa kanila ang pera na umaabot sa halos P175,000 at 50 USD. Nagbigay ang mag-asawa ng halagang P5, 000 bilang gantimpala sa katapatan ng taxi driver. Ayon sa mag-asawa ay halos anim na buwan na rin silang naninirahan sa Sipalay. Natutuwa sila at marami na silang nagiging kaibigan na mga Pilipino at iniisip na rin nila ang manirahan ng permanente sa bansa.


Ang hinahangaang taxi driver ay mula sa E. Lopez, Silay City at 48 taong gulang na. Kahit pa mayroon siyang limang mga anak ay hindi ito naging dahilan upang magkainteres siyang kuhanin o sarilinin ang pera o ang gamit na hindi naman kaniya at hindi naman niya pinaghirapan. Hindi na nakapagtataka na napakarami niyang natatanggap na positibong komento at reaksyon sa social media. Tunay nga na isa siya sa mga tao na nagsisilbing inspirasyon para sa marami pang mga Pilipino na gumawa ng mabuti sa kanilang kapwa maging Pilipino man o dayuhan.





error: Content is protected !!