Simpleng salu-salo sa probinsiya nina Andi Eigenmann habang kumakain ng isda at shellfish labis na hinahangaan ng maraming mga netizens!



Isa na marahil sa pinakamasarap na pakiramdam sa ating buhay ang pagkakaroon ng masaya at kumpletong pamilya. Hindi maipagkakaila na marami sa atin ngayon ang masyado nang abala sa ating mga trabaho o di kaya naman ay sa ating pag-aaral at madalang nang mabigyan pa ng oras at panahon ang ating pamilya.



Nakakalungkot mang isipin ngunit dapat sana ay napaglalaanan pa rin natin ng sapat na panahon ang ating mga mahal sa buhay. Lalo na ang mga magulang para sa kanilang mga anak at maging ang kanilang mga anak sa kanilang mga magulang. Kamakailan lamang ay hinangaan ng marami ang pagiging simple at payak na pamumuhay ng aktres na si Andi Eigenmann kasama ang kaniyang pamilya sa probinsiya.


Masayang masaya ngayon ang aktres sa kaniyang buhay malayo sa siyudad kasama ang kaniyang pamilya. Kasama niya ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo at ang kaniyang panganay na si Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenmann at si Keliana Alohi “Lilo” Eigenmann Alipayo. Maraming mga netizens ang naaliw sa video na ibinahagi ni Andi sa kaniyang social media account kung saan nanghuli ng isda si Philmar na iniluto nila pagkatapos. Sinubukan din ng aktres ang “Mukbang Challenge” kasama ang kaniyang mga minamahal!


Si Andrea Nicole Guck Eigenmann ay mas kilala ng publiko bilang si Andi Eigenmann. Siya ay 29 taong gulang na aktres at modelo mula sa Marikina. Ngunit ngayon ay masaya na siyang naninirahan sa Siargao kasama ang kaniyang masaya at lumalaking pamilya. Siya ay anak ng mga mahuhusay na aktor at aktres ng kanilang henerasyon na sina Mark Gil at Jaclyn Jose. Ilan pa sa kaniyang mga kapatid ay sina Sid Lucero, Gabby Eigenmann at Max Eigenmann na mga anak rin ni Mark Gil sa iba nitong mga nakarelasyon noon.


Siya ay nagtapos ng elementarya noong 2004 habang sa Miriam College sa Quezon City naman siya nagtapos ng high school. Bachelor of Arts in Fashion Design and Merchandising naman ang kurso na kaniyang kinuha sa De La Salle-College of Saint Benilde.






error: Content is protected !!