Kakaibang kasalan na eco-friendly, patok na patok ngayon sa social media!



Lahat naman tayo ay nangangarap makaranas ng pinakamaganda at pinakamaayos na kasalan. Ang madalas na ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng malaking budget para sa kasal, maraming mga masasarap at mamahalin na mga pagkain, sosyal na mga venue, wedding invitations, at entourage, ngunit tila naging kakaiba ang panlasa ng bride at groom na ito para sa kanilang “big day”.


Ang magkasintahan na ito ay napagdesisyunan na gawin ang kanilang pag-iisang dibdib sa isla ng Siargao. At talaga namang “minimalist” wedding nga ang konsepto ng kanilang naging kasal. Sila ay nakilala bilang si Nathan at Airene, halos lahat ng ginamit sa kanilang kasal ay mula sa kalikasan at halos lahat ay narerecycle o maaari pang magamit muli.



Aakalain mo ba na ang kanilang “wedding invitations” ay mula sa mga tela? Ang mga mesa at mga upuan ay gawa mismo ng pamilya ng groom mula sa mga tela at kawayan. “Organic silk” naman para sa wedding dress ng bride ang kanilang ginamit.



Samantalang ang mga bouquet ng bulaklak, mga “table centerpieces”, at iba pang mga dekorasyon ay mga pinatuyong sanga at halaman lamang na sina Nathan at Airene mismo ang nangolekta ng mga ito.


Bukod pa rito ay naghanda rin ng simple ngunit kakaibang salo-salo ang bagong kasal ngunit talaga namang nakamamangha ang dalawa dahil sa mayroon silang inihandang munggo, biko, pan de Bisaya (native bread), inihaw na isda (grilled fish), at sariwang buko juice para sa kanilang bisita na malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.


Tunay nga na nakamamangha ang kakaibang kasalan na ito na hindi naman kinailangang maging enggrande, mamahalin, at magarbo. Mas lalong kinabiliban ng marami ang pagiging malikhain at pagmamalasakit ng bagong kasal sa kanilang kapaligiran. Tunay nga na hindi lahat ng mga tao ay makakayang gawin ang mga bagay na ito sa isang simple at interesanteng pamamaraan.






error: Content is protected !!