Dirty kitchen ng mga Pilipino noon, naghatid ng sari-saring alaala ng ating masayang kabataan!



Marami sa atin ngayon ang talaga namang nagkaroon ng maraming mga masasayang alaala noong ating kabataan. Magmula sa ating mga naging kalaro, mga kaibigan at kababata hanggang sa mga hindi natin malilimutan na mga laro na sa panahon ngayon ay tila hindi na nabibigyang-pansin dahil sa laganap na ang modernisasyon at paggamit ng social media ng maraming mga Pilipino. Ngunit higit sa ano pa mang bagay ay marami din tayong naging alaala sa simple at payak na pamumuhay natin noon.



Madalas noon ay simple lamang ang ulam na inihahain sa ating mga hapag-kainan ngunit sa kabila nito ay punong-puno ang ating mga puso ng labis labis na kagalakan dahil sa nakakasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa pagkain sa hapag-kainan.


Hindi lamang ito nakatutulong upang mas maging matatag ang pamilya ngunit malaking bagay din ito para sa maayos na paglaki ng mga anak. Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang larawan na ito ng isang tipikal na “dirty kitchen” noon ng maraming mga pamilyang Pilipino. Bagamat malaki na ang naging pagbabago sa ating pang-araw-araw na gawawin ngayon at sa maraming mga bagay na ating tinatangkilik ay hindi pa rin nakakalimutan ng marami sa atin ang mga hindi malilimutang alaala natin sa ating “dirty kitchen” noon.


Image credit: Ensly Casitas

Ilang mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga nakakamanghang kwento patungkol dito. Mayroong isang netizen na nagkomento kung paanong nangangamba ang bawat isa sa pamilya lalo na kung paubos na ang mga kahoy na panggatong sa kanilang sinaunang kalan o lutuan. Marami din naman ang naka-relate na ang kanilang mga alagang pusa ay hindi mapigilang mamahinga sa mga abo na naiwan ng mga kahoy na panggatong sa naturang lutuan. Tunay nga na walang makapapantay sa naging masayang alaala natin noon, masayang alaala ng ating kabataan na talaga namang napakasarap balik-balikan! Ikaw, ano ang naaalala mo sa inyong “dirty kitchen” noon?



Source: Batang Pinoy – Ngayon at Noon.




error: Content is protected !!