Isang celebrity na nagbigay ng P50k na tulong sa isang balloon vendor na naagrabyado, nais itago ang kaniyang pagkakakilanlan!



Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng publiko ang hindi magandang sinapit ng lalaki na ito na nagtitinda ng lobo. Ayon sa mga ulat ay napagtripan ito ng ilang mga kabataan na halos mga minor de edad na sinunog ang kaniyang mga panindang lobo na naging dahilan din upang masunog at malapnos ang kaniyang katawan.



Dahil sa sinapit ni Oliver Rosales sa maraming mga taong nagmalasakit at nagmagandang loob sa kaniya tulad na lamang ng Raffy Tulfo in Action at maging ng isang sikat na male celebrity na ayaw pa ngang ipaalam o ipabatid sa publiko ang kaniyang naging pagtulong.


Ang ama ng balloon vendor na si Nicolas Rosales ang siyang nagtungo sa popular na programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong sa nangyari sa kaniyang anak dahil sa ilang araw na rin itong nakaratay sa pagamutan. Isang male celebrity na diumano ay si Luis Manzano ang nagnais ding tumulong sa mag-ama na nagbigay ng P50,000 bukod pa ang tulong na P50,000 na ibibigay ng programa. Ibabalik din nila sa mga magulang ng mga kabataang suspek ang P17,500 na halaga ng salapi na binigay sa mag-ama upang hindi na sila magsampa pa ng kaso sa mga kabataang naging dahilan ng nangyari sa kawawang tindero. Ang salapi na ito ay magmumula rin sa naturang programa.


Ayaw pang magkakilala ni Manzano ngunit hindi naman din pumayag si Tulfo na hindi mabatid ng pamilya ang kabutihang loob ng Kapamilya host, aktor at komedyante na ito. Talaga namang umani ng sari-saring positibong komento mula sa netizens ang ginawang ito ni Manzano na tunay ngang hindi nagnanais ng kahit ano pa mang kapalit ng kaniyang pagtulong sa kapwa.


Nagsilbi siyang napakagandang inspirasyon para sa marami pang mga Pilipino na hindi naman kailangang ipagmalaki pa o ipagsabi sa ibang tao ang pagkakawang-gawa o ang pagtulong sa kapwa. Dahil mas nakikita at nararamdaman talaga ang sinseridad ng isang tao kung ginagawa niya ang ganitong klaseng pagtulong ng buong puso at wala nang hinahangad pang ibang bagay.






error: Content is protected !!