Jelai Andres at Jon Gutierrez kinakiligan ng publiko dahil sa kanilang “Valentine’s Date”!



Ang Team JoLai ang isa sa pinakahinahangaan na social media couple noon. Talaga namang minahal ng publiko ang kanilang mga sweet at nakakilig na mga vlogs. Ngunit sa hindi inaasahang mga pangyayari ay naudlot ang kanilang pag-iibigan ilang buwan matapos ang kanilang kasal dahil sa diumano ay pangbabae ni Jon Gutierrez o mas kilala ng publiko bilang si King Badger. Sa nagdaang araw ng mga puso ay hindi rin naman nagpahuli ang Team JoLai kung kaya naman pinagbigyan nila ang kanilang mga tagahanga na mapanuod silang muli nang magkasama.



Sa ngayon ay umabot na sa mahigit dalawang milyong views ang pinakalatest na vlog ni Jelai Andres kung saan muli silang nagkita at nagkasama ng kaniyang “ex”. Ang latest vlog ng sikat na YouTuber na si Jelai ay mayroong pamagat na “Wala akong ka-date, sige na nga pwede ba to! Hahaha Char!”. Sa naturang video ay sinundo ni Jelai si Jon dahil sa coding diumano ang sasakyan ng lalaki. Kasama naman ni Jelai ang kaniyang pamangkin na si Ayana sa kanilang “Valentine’s Date”!


Mapapansin din naman ang mga bulaklak na ibinigay ni Jon kay Jelai at nagbigay din ito ng balot at mangga na parehong paborito ng huli. Talaga namang napansin ng marami ang ningning ng kanilang mga mata lalo na kung magtatama ang kanilang mga mata. Nagtungo sila sa restaurant na madalas nilang kainan noon.


Nagpunta rin sila sa Santuario de San Antonio Parish na madalas din nilang puntahan noon. Talaga namang kinilig ang marami lalo na ng sabihin ni Jelai na lahat naman ng tao ay nagkakasala ngunit kung mayroon kang Diyos sa iyong puso ay mawawala din naman ang sakit na naidulot nito sa iyo.


Nagkaroon ng pag-asa ang marami nilang mga tagahanga na darating din ang panahon na magiging maayos na muli ang pagsasama ng mag-asawa. Marami ang nananalangin na muli ay matagpuan nila ang ligaya na matagal na nilang inaasam.






error: Content is protected !!