Matandang delivery man na nakatapon ng pagkain na dapat ay ihahatid nito, tinulungan ni Cong TV!



Marami sa atin ngayon ang nakasanayan nang manuod ng mga programa at pelikula sa telebisyon, mag-browse sa social media, o di kaya naman ay manuod ng mga videos o vlogs ng mga paborito nating artista para tayo ay sumaya o matawa o di kaya naman ay makalimot lamang sa pagod ng buong araw na pagtatrabaho. Kadalasang mapapansin sa mga sikat na YouTuber o Vlogger ngayon ang pagiging makulit o kenkoy lalo na pagdating sa kanilang mga content. Ngunit lingid sa ating kaalaman ay marami din palang mga vloggers na mayroong mabubuting kalooban at handang tumulong sa kanilang kapwa maging sino man sila.



Tulad na lamang ni Cong TV na nakilala ng publiko sa pagiging makulit at puro kalokohan sa kaniyang mga ginagawang vlogs ngunit talaga namang nagtataglay pala siya ng ginintuang puso sa mga taong mas nangangailangan. Tulad na lamang ng ginawa niyang pagtulong sa isang matandang delivery man na nakita nitong namomroblema sa gitna ng kalsada dahil sa aksidenteng natapon ang dapat sana ay idedeliver niyang pansit.

Batid naman nating lahat na maliit lamang ang kita ng mga delivery man kung kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa ang vlogger na si Cong TV na tulungan ang problemadong matanda at bigyan ito ng pera na pang-abono sa natapon na pagkain. Ang naturang kaganapan ay nakita ng netizen na si James Larracas na nagbahagi naman nito sa social media. Narito ang naging pahayag ni Larracas sa viral post:
“Grabe.. Napakabait talaga ni Cong TV. Natapon yung de-deliver ni tatay na pansit. Sakto napadaan si Cong. Binigyan na lang niya ng pera para may pang abono si Tatay sa pansit. Iba pala talaga. Kala ko puro kal0kohan lang. Salute sa iyo idol,” pahayag ni Larracas.



Kahit pa dalawang oras pa lamang naibabahagi ang post na ito sa social media ay umani na kaagad ito ng higit sa 40,000 na mga reactions, 300 comments, at higit sa 55,000 na mga shares.





error: Content is protected !!